Lorraine's POV "Nay, aalis po muna ulit ako, ha?" Paalam ko kay nanay habang inaayos ang suot kong damit. Binili ko lang ito dun sa palengke. Pantalon at puting t-shirt at sapatos na rin. Mumurahin lang ito dahil hindi ko naman afford ang mamahaling damit. Ang perang hawak ko ay walang ibang paglalaanan kundi ang gastusin ni Neneng dito sa hospital. "Anak, saan ka na naman ba pupunta?" Ani Nanay na tila ba nag-aalala na rin sa akin. Hindi ko rin naman masasabi sa kanya ang tunay kong pupuntahan kaya heto at magsisinungaling na naman ako sa kanya. "Kay Donya Esme po ulit. Hihingi lang po ako ng karagdagang pera na pwedeng niyang idagdag sa utang ko. Kahit mangatulong ako sa kanila inay ay gagawin ko." Tila ba nakaramdam naman ng awa sa akin si inay. Lumungkot bigla ang mukha at lumapit

