Lorraine's POV "Pasok ka muna," paanyaya niya sa akin pagkabukas na pagbukas pa lang niya ng kanyang magarang pintuan. Napatingin ako sa kanya. Bigla naman siyang tumango. Napasilip ako sa loob ng bahay at inaasahan ko na agad na hindi siya ordinaryong tao lang. Pumasok na ako sa loob at nagpalinga - linga sa paligid. Iginala ko ang aking mga mata kahit na medyo may kadiliman dahil iilang ilaw lamang ang nakabukas tapos ay dim light pa. "Maupo ka muna," turo niya sa isang malaking kulay puti na sofa. May rectagular na lamesa sa gitna nito at may malaking tv sa harapan. Agaw pansin sa akin ang double sided staircase. Kulay itim iyon ngunit kulay ginto naman ang railings. "S-salamat..." naiilang na sambit ko. "Maiwan na muna kita. Ipaghahanda lang kita ng pagkain." Paalam pa niya at

