Chapter 30: the Visitor

1110 Words
SHANNA P.O.V Umuwi muna si Devon Sa bahay para makapagpalit pero sabi Niya mabilis Lang siya kaya inaasahan ko ng babalik siya dahil nga inamin niya kaninang madaling araw kung saan siya nagkulang at ngayon kasama ko si Ryo na panandaliang magbabantay muna saakin habang wala pa si Devon. "Shan ,bibili muna ko ng Kape Sa labas.." napabaling ako Kay Ryo kahit na nahihirapang iharap ang Mukha ko dahil sa nakalagay Sa Leeg ko nakita kong napatayo si Ryo kaya hindi ko naman pwedeng tanggihan si ryo dahil baka nga naiinip siya kakabantay saakin "baka may gusto kang ipabili Shan?" tanong niya "Huwag na Ryo bumili ka na Sa gusto mo.." sang ayon ko nalang dahil hindi rin naman ako makakain ng pagkain galing Sa labas "Sigurado ka Shan?" tumango nalang ako "Sige Shan babalik rin Ako kagad..." paalam niya bago lumabas nanatili akong nakaupo Sa headboard ng Kama dito Sa Ospital pero sabi naman ng Doctor limang araw pwede nakong mag discharge dahil wala namang bali na buto *BLING* " Ang bilis mo atang bumalik Ryo----" napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumakas at hindi natuloy ang sasabihin ko nang makilala kung sino ang niluwa ng pinto. "Shanna..." "Ian..." sambit ko. Anonv ginagawa niya rito? Akala ko pa naman si ryo si Ian Lang pala halata Sa mukha niya ang puno ng Pag-aalala ng makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko ng tignan niya lang ako "Nabalitaan ko ang nangyari sayo.." may tonong pagsisisi sabi niya "kaya binisita kita Ngayon..."dugtong niya pa. Hindi naman siya bwesita dahil bumisita lang siya sa ngayon "Ayos na rin naman Ako hindi muna kailangang mag alala pa saakin Ian." Sambit ko "Pero Shan alam mo-----" "Babalik rin si Devon.." putol ko sasabihin niya ng malaman niya na baka parating na si Devon "Hindi ka nga niya halos mabantayan Shan.." lumapit naman siya sa gilid ko "Pero babalik siya ngayon.." sambit ko Pero hindi ko inaasahang hahawakan niya Ang Kanang Kamay ko at pinagsalikop ito gamit Ang kamay niya "Sabi ng kamay ko Bitawan kita Sabi ng Paa ko Layuan Kita Sabi ng isip ko Layuan Kita Pero bakit Sabi ng Puso ko Di Pwede dahil Mahal pa rin Kita. Shanna." Kaya bigla ko rin winaksi Ang pagkakahawak niya Sa kamay ko "Tapos na tayo Ian!"sambit ko "may Asawa nako." dugtong ko ng magising siya Sa katotohanang hindi na maibabalik ang dating pagsasama namin "Pero kasal lang naman kayo Sa papel at pwede pa naman mabali yun.." 'Hindi ganun kadali yun!' Madali Lang Sa kanyang sabihin dahil hindi siya ang babae. "Pwede ba Ian gumising ka sa katotohanan!" Sambit ko gusto ko pa naman sanang isigaw pero Hindi kaya ng boses ko "Shann...." tawag niya sa pangalan ko "Pwede ba maging masaya nalang tayo Sa isa't Isa.." pagod na kasi ako Sa paulit ulit na bangayan namin dahil tapos na "Pakiusap Ian kahit ako naman.." minsan lang naman akong humiling Sa kanya at makiusap "Ito ba talaga ang gusto mo Shan?" nagsisimulang gumaralgal ang boses ni Ian at ang Mga luhang gustong kumawala hindi ko alam pero ramdam kong nasasaktan siya at ito ring puso ko kumikirot sa nakikitang Ekspresyon sa mukha niya "Ian ,ikaw lang rin Ang masasaktan kung patuloy mong ipagpipilitan..." sambit ko na pinipigilang maluha gusto ko lang namang gumising siya Sa katotohanang wala nako Sa kanya matagal ko nang tinapos lahat "Shan hindi ko kaya..." sambit niyang napapikit Sa taas ng kisame "kahit anong gawin kong kalimutan ka hindi ko kaya..." garalgal na patuloy niya at napatingin saakin ng Diritso nanatili akong tikom 'Makakaya mo Ian dahil nakaya ko..' "Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan Ian.." kahit mahalin mo nalang ako bilang kaibigan sapat na "Kaibigan?" mapakla siyang napatawa at hindi na napigilang kumawala sa mata niya ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan "Hindi kailan man magiging kaibigan Ang tingin ko sayo Shan.." Ayaw kong bumigay. Napatalikod naman siya saakin sobra ko na siyang nasaktan kaya ayaw ko nang may lumabas pa Sa bibig ko "Sorry Shan, kung sa ikasasaya mo ibibigay ko pero ang pagmamahal ko sayo ay Hindi ko maipapangako.." huling sinabi niya bago siya tuluyang lumabas ng Pinto Hindi ko namang napigilang mapaluha. 'Sorry Ian pareho tayong nasaktan!' pero gusto kong maging malinaw sayo ang lahat na tinapos ko na ang dating tayo at gusto kong maging malaya ka rin sa gusto mong gawin dahil patuloy ka lang masasaktan kung ipagpipilitan mo ang sarili mo *BLING* Kasabay nun ang pagbukas ng Pinto kaya agad ko naman Pinunasan Ang Mata ko ng hindi mahalatang Napaluha ako "Ryo, buti nakabalik ka na." Bungad ko ng Pumasok siya "Shan, may nangyari ba habang wala Ako?" Agarang tanong niya "Wala naman." "Umiyak ka ba?" taka niyang tanong at inusisa akong maagi lumapit naman siya "Hindi, napuwing lang." "Kanino ka napuling?" tanong niya Halata ba talaga Umiyak Ako. "Napuling inlove kay King ba Shan?" May halong panunukso niya "Hahaha." napatawa siya kaya nakisabay nalang rin ako Loko-loko talaga to si Ryo "Pfft. joke Lang Shan masyado kang Seryoso." "Sige ryo huwag munang intindihin to. Ano nga palang dala mo?" Pag iiba ko nalang Sa usapan napaupo naman siya Sa Sofa "Hamburger at Kape Shan, gusto mo?" sabay pakita niya napailing nalang ako "Bakit Dinalawa ko pa naman Ang bili at natagalan pa ko Sa Pila kakahintay.." takang tanong niya na nanghihinayang "Hindi ako pwedeng makakain niyan" tanggi ko at tinuro ang suot ko Sa leeg kaya nakuha Niya naman ang gusto kong sabihin "Oo nga pala Sorry shan nakalimutan ko.." napapakamot na ulong sabi niya "Ayos lang." "Para ka namang si Gloria Arroyo niyan Shan.." sambit ni ryo habang kumakain ng dala niya "Oo nga eh.." Sa totoo naman pero kunting tiis nalang matatanggal rin to pag naka discharge nako dito Sa ospital Kita ko namang Dinukot naman ni ryo ang Keypad na cellphone Sa Bulsa habang kumakain hindi ko akalain na Keypad ang ginagamit na Cellphone ni ryo ngayon lang ata ako nakakitang may lalaki pang gumagamit ng keypad hindi touchcreen na cellphone ngayon pero hindi rin naman natin mahuhusgahan si ryo kungand yun talaga nakasanayan niya katunayan nga nakakahangang may lalaki pang gumagamit ng Keypad na Cellphone "Nga pala shan nag text si King pabalik na siya." Sabay pakita niya paharap ng Cellphone niya kahit na hindi ko mabasa dahil nasa may Sofa malayo saakin kaya Ngumiti na lamang ako. ーーーーーーーーー End of chapter 30 ーーーーーーーーー A/N: Any Advice babies? Para Kay Ian. ? ~Sakka-san?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD