RYOVEN POV
"IKAW?!" napaturo ako Sa kanya ng may maalala
Parang Nakita ko na siya...
"Langya! Ikaw nga!" Mura ko nang makilala ang pagmumukha niya
"Ikaw yung Tomboy Dati!" bulalas ko
siya yung muntik ko ng masagasaan dati at Sumuntok sa pagmumukha ko
Pero siya parang wala lang hindi niya ba ko namumukhaan?
"Psh. At ikaw yung nakamotor na Unggoy." Sipat niyang sabi
"Aba! Nang iinsulto ka ba?" lumapit naman ako Sa kanya ng magkaharap kami
At tinignan siya mula ulo hanggang paa kung babaeng babae lang siya masasabi kong 'Maganda' siya kaso lalaki siya pumorma kaya Wala rin. Tomboy.
nang maalala ko yung sugat na natamo niya dati sa kanang braso niya pero wala na? buti gumaling na nang wala nakong magasto pa Sa ngayon Lalo pa't checkoff ni King pera ko
"Magkakilala kayo?" rinig kong tanong ni Shanna
"HINDI!!"
Natigil kaming dalawa ng mapagtanto Sabay naming sinagot yun mula Sa tanong ni shanna
"Weh?" hindi makapaniwalang reaksyon ni shanna
"HINDI NGA SABI! ANG KULET!!" nagkatinginan na naman kami ulit Sa sunod na sinagot namin
>_> <_<
"sabay lang ang peg."
"Pfffft."rinig ko namang pigil tawa ni Kama
Paanong nangyaring nandito to?
JENICA P.O.V
Dadaan na sana ko palapit sa gilid kung saan nakahiga ang tanga kong kaibigan nang harangan naman ako nitong Kupal
"Tabi!" banta ko para magbigay daan siya pero hindi siya nagpatinag
"Tumabi ka!" pangalawang banta ko pag hindi siya sumunod baka ano magawa ko Sa kanya
Kasalanan ko bang nasa Harap siya ng pinto.
para naman kaming nagpatentero dalawa
"Paano kung sabihin kung ayaw ko?!" hamon niya
'Paano rin kung gawin ko to!'
"Arayy, tangna!" Napa ika ika siya ng tapakan ko paa niya
"Bakit mo ko inapakan?!" gigil na tanong niya halatang napikon siya
"Pag sinabi kong Tabi... Tumabi ka!" Sambit ko ng maunawaan niya pinupunto ko
"Pag nagmatigas ka ulit Hindi lang yan aabutin mo!" banta ko uli ng malaman niya
madali lang naman kasi akong kausap
"Sino ka ba ha?!" bulyaw niya
"Pakialam mo. Hindi naman IKaw pinunta ko rito." Saka ko siya nilagpasan
SHANNA POV
Nagpasipat sipat ako ng tingin kanina kila Ryo at Warka paanong mukhang magkakilala sila?
"Nakalimutan ko may bibilhin rin pala ko ,Helmet!" tumayo naman bigla si Xi mula sa pagkakaupo Sa sofa
"Tara labas na muna tayo Pre.." yaya niya Kay ryo saka tinulak ito
"Ngayon sasama-sama ka na!" sambit ni ryo na panay iwas sa pagtutulak Sa kanya ni Xi
"Sige Shan labas na muna Kami..." paalam ni Xi at pinaunang pinalabas si ryo
"Okay Sige..." tanging sang ayon ko na lamang bago siya nahuling lumabas at sinarado Ang Pinto
nanatili namang nakatayo si Warka Sa Gilid ko...
Namutawi Ang katahimikan....
"Ano bang pumasok sa Kokote mo at may nagawa ka na namang katangahan!" Ito na magsisimula na ng manermon si Warka
"Aksidente Lang naman kasi yun warka.." sambit ko alam kong nag aalala lang talaga si Warka kaya tatanggapin ko na mga panenermon niya
"hindi ka man lang nag iingat!"
"Sorry warka.." pinipigilan kung huwag mapaluha
"Nasaan ba Asawa mo?!" tanong ni bes mukhang napansin niyang wala si Devon.
ito ang hindi ko kayang masagot.
"Hindi ko rin alam." napapikit na lang ako
"Nag Away ba kayo?"muling tanong ni Bes
Gusto kong sumagot na 'Hindi' pero hindi nalang Ako umimik dahil mismong Sa sarili ko hindi o alam ang sagot
'Nag away nga ba Kami ni Devon?'
Wala kong matandaan eh.
"Mukhang hindi mo nako kailangan Ngayon." akmang tatalikod na si Warka ng pigilan ko kaliwang braso niya
Ang bilis naman ata niyang aalis?
Eh kararating Niya lang.
"Warka huwag mo kong Iwan.." pagpigil ko kaya napalingon siya
Ito talaga si bes ang bilis mag tampo
"Malaki ka na Shanna Krish Lawin hindi ka na bata na kailangan pang bantayan!" napabitiw naman ako sa braso ni Warka ng marinig Ang Bulyaw niya
"Eh kasi----" magpapaliwanag sana ko ng unahan nako ni Warka bes
"Asan naba asawa mo? nang siya magbantay sayo!"
Hindi nga yun nakauwi magbantay pa kaya sakin?
"Sige warka ingat ka pauwi.." mapait akong ngumiti kaya nagtaka siya sa pag iba ko ng usapan
"Hindi ko talaga balak magtagal dahil marami akong naiwang gagawin." sambit ni warka bago siya nagsimulang tumalikod papunta Sa harap ng pintuan
"Ingat ka.." paalam ko
"Sa susunod bawas bawasan mo katangahan mo.." huling sinabi niya ng makalabas na
Naiintindihan ko naman si Warka dahil busy rin siya at bawal sayang bumagsak sa kahit anongcriminology kaya kailangan niyang maging pokus
Ganito pala pakiramdam na mag-isa ka nalang.
Wala sila Sa tabi mo.
Ngayon ko lang ulit naramdamang mag-Isa na naman ako.
Nagising ako ng may maramdamang bumubuntong hininga Sa gilid ko
"Wa------" sisigaw na sana ko
"It's me."
ganun nalang ang gulat ko ng lingunin ko sino nagsalita at si Devon lang pala na nakaupo
"Akala ko kung Ano na... IKaw Lang pala." kung ano ano pa kasi iniisip ko
nakahinga ko ng maluwag
"Kailan ka pa nandyan?" bakit ngayon lang siya nagparamdam
"Awhile ago." sambit niya na napabuntong hinga ulit
Ibig sabihin kararating Niya lang nang sipatin ko kabuuan niya
Hindi ba siya nakatulog?
"Wala ka bang tulog?" hindi ko napigilang tanungin siya pero wala kong nakuhang sagot kundi napapikit lang siya 'wala nga talaga siyang tulog.'
Hindi ko alam kung maaawa na ba ko sa hitsura ni Devon kung titignan mo pagod na pagod siya walang tulog at gulo-gulo ang buhok na parang ilang ulit Sinabunutan.
pati ang suot niyang White long sleeve gusot na hindi na naka insirt at bukas pa yung ibang butones niya.
At yung Necktie niya nakalaylay na parang wala na siya Sa sarili.
Ganun ba talaga siya ka Problemado?
Pati sarili niya hindi na niya naasikaso.
"Nag away nga ba tayo Devon?" tanong ko ulit baka sakaling sagutin niya
'Tulog na nga talaga siya'
Agaw pansin naman ang tatlong butones sa taas niya kaya lantad ang maputi niyang Dibdib.
Napapikit ako sa isiping iyon.
Kahit na mukhang haggard at Stress na siya sa Itsura niya litaw pa rin Kagwapuhan niya at Ang Hot niyang tignan Sa Suot niyang hindi naayon Sa ayos
Sa pagdilat ko ay mapupungay na Mga mata ni Devon na nakatitig ang bumungad sakin
"Akala ko nakatulog kana Devon?" takang tanong ko Akala ko talaga tulog na siya kasi hindi siya sumasagot Sa tinatanong ko isama pa na nakapikit pa siya nun
"I'm sorry, for not being with you."
natigilan ako sa sinabi niya
"Don't think to much." Saka siya tumayo Sa pagkakaupo ako naman hindi makuha ng sasabihin
"I go outside to get some coffee."paalam niya na hindi ko namalayang nakalabas na siya
at nakatulala pa rin ako
"Nananaginip ba ako ng gising?" natanong ko Sa sarili ko.
'O si Devon yung nananaginip ng gising?'
Pero kahit papaano inamin niya kung saan siya nagkulang.
ーーーーーーーーーーー
END of Chapter 29
ーーーーーーーーーーー
A/N: Saan nga ba ako nagkulang? Saan? Huhuhu.. chukss lang si King pala yung nagkulang?
Huwag kalimutang mag Vote by Chapters Labyu babies please be patient?
~Sakka-san?