SHANNA POV
Naghintay ako buong gabi kahapon pero hindi pa rin umuuwi si Devon sabi ni Ryo busy siya.
Sha-la-la-la
Sha-la-la-la
Sha-la-la-la
kaya si Ryo nalang panay sundo saakin pauwi Sa mansyon.
Hindi niya kaya Ako iniiwisan?
Pero bakit naman?
Ano namang dahilan?
Baka nga siguro busy siya.
He might get the biggest ca-a-ar
Don't mean he can drive me wild
Or he can go for miles
Said he got a lot of Ca-a-ash
Darlin' he can't buy my love
Its you im dreaming of
Nandito ako sa CR naliligo habang nakikisabay Sa kanta ng 'Love Me Like You' kakauwi ko lang kanina pagkatapos ng klase dahil ipaghahanda ko nang hapunan si Devon
"They try to romance me
But you got that mastry
And tha't what i want"
sabi ni ryo uuwi na raw mamaya si devon pero baka gabihin si Devon dahil malapit niya ng matapos Ang mga papeles na naipon simula nung umalis siya dahil nga raw natambak
So baby,baby
Come and save me
Don't need those other number one
"tapos nako!" Sabay Tapis ng Towalya sa sarili ko
Last night i lay in bed so blue
Cause' I realized the truth
They can't love me like you
"Asan na yung Sabon?" Tanong ko ng mapansing nawala ang sabon sa lagayan malapit sa pindutan ng shower
I tried to find somebody new
Baby they aint got a clue
Cant love me like you
"Saan kaya yun napunta?" Nakakapagtaka naman Ang alam ko dito ko lang yun nilagay kinapa ko pa nga yun
"Hindi naman Marunong tumakbo Ang sabon ah." napapakamot kong sabi
Hahakbang nasa na ako nang may maapakan akong madulas na bagay
@_@
"AHHHH" sigaw ko ng biglang masalampak sa sahig nitong banyo "A-aray ko.." nahihirapan kong sabi ng maramdamang parang hindi ko kayang magalaw ang buong katawan ko
"T-tulong..." nasambit ko nalang pati leeg ko ay hindi ko kayang maangat
Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko magawa..
Mukhang napuruhan ata ako ng masalampak Sa Tiles na Sahig..
napapikit ako at Isang tao lang ang pumasok sa isip ko "D-Devon..." sana naman umuwi na siya Nilalamig nako dito
Ilang Oras Ang lumipas...
Bago ko Marinig ang pagbukas ng pinto
"Devon... nandito Ako.." umaasang sa pagmulat ko ay si Devon ang makikita ko na nakauwi na
" IHA! DIYOS KO MERYUSEP! ANONG NANGYARI SAYO!" natatarantang sigaw ni manang na hindi alam kung ano Ang gagawin ng makitang nakahandusay ako Sa sahig
"SANDALI LANG IHA! TATAWAG AKO NG AMBULANSYA!" bago umalis Sa harap ko si manang napapikit ako uli Gustuhin ko mang maiyak sa sakit nararamdaman ko sa halip ay napangiti Ako ng mapait
Dahil walang Devon akong nakita.
Kundi si Manang.
RYOVEN P.O.V
Dali dali akong pumunta Sa mansyon ni King ng mabalitaan kay manang ang nangyari pero pagdating ko ay siyang pagpasok kay Shanna sa Ambulansiya at papasugod sa Ospital kinausap ko naman si manang na ako ng bahala Kay Shanna at maiwan nalang siya Sa Mansyon
Agad ko namang Tinawagan ang numero ni Kama para maipaalam
{ oh.. Helmet, napatawag ka? } bungad ni kama
"Pre si Shanna----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng sumabat siya
{ Bakit? Anong nangyari Sa Asawa ni Boss? }
"Nasugod Sa Ospital."
{ Ano?! Takte! si boss? }
"Yun nga problema eh.. wala si King."
{ Naloko na! Sige susunod nako dyan. } magsasalita pa sana ko ng biglang niya nalang binaba ang tawag
"Lokong kamang yun!" Binabaan ba naman Ako hindi pa nga ko tapos sa sasabihin ko itinext ko nalang saang Ospital naka confine si Shanna
【 LANCASTER HOSPITAL 】
"Shan sabi ng Doktor kailangan mo munang magpahinga." tugon sakin ni Ryo.
"Si Devon?" Napakamot ako Sa bungad na tanong ni Shan.
"Hindi pa nakauwi si King." bigla naman siyang natahimik.
"huwag kang mag-alala Shan susunod na yun." dugtong ko
"Sabihin mo nga Ryo!" napalunok ako Sa magiging tanong ulit ni Shanna
"May galit ba si Devon sakin?" batid ko ang lungkot sa tanong niya
"Hindi naman Sa ganun Shan.."
"Hindi? Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan Niya ko?" Ito na nga ba sinasabi ko "Sabihin mo nga Ryo may kasalanan ba kong nagawa Sa kanya?"
"May inasikaso lang si King Shan. Pagpasensiyahan mo na." matapos kung sabihin yun natahimik uli siya
Nakahinga ako ng maluwag ng tumalikod Sa kanya at pumunta sa gilid malapit sa Pintuan hindi kalayuan sa hinihigaan ni Shanna
naupo nalang ako sa sofa ng hindi na nagtanong pa si Shanna
"May Cellphone ka ba ryo?"
"Oo , shan.." nagdadalawang isip kong sabi "Bakit?" tanong ko ng makapa sa bulsa ng Pantalon ko
"Pwedeng pahiram? may tatawagan lang Ako." nag aanlinlangan man tumayo ay Inabot ko pa rin Sa kanya ang Keypad ko na Nokia
"Medyo luma na yan wala pa kasi Sa isip kong palitan yan." bago pa siya makapag react inunahan ko na siya
"Bakit wala ka bang pambili Ryo?" kaya ayaw na ayaw kong magpalabas ng Cellphone eh dahil pagtatawanan Lang nilang Keypad gamit ko
"Hindi Shan. Mas nasanay kasi ako Pag Keypad gamit ko." sa totoo lang simula ng lumayas ako ng bahay kinalimutan ko na lahat
at pinili kong maging simple nalang Ang buhay ko.
Kahit Keypad yan Nagtagal yan ng maraming taon.
kaya wala pa kong balak bumili ng bago.
Wala pa sa Ngayon.
kung Tawag at Text lang naman rin ang gagawin.
"Ahh Ganun ba ryo." pagsang ayon nalang rin ni Shanna
napabalik naman Ako Sa pagkakaupo Sa Sofa Nakailang ring bago sinagot ang tawag ni Shan sa tingin ko ibang numero yung tinawagan niya
"Warka..Ako to si Shanna.." rinig kong bati niya pero nahihirapan siyang ikilos ang Leeg niya
"Sige na bes pumunta kana dito! " Pakiusap niya mula sa Cellphone ko
"Oy! Helmet!" biglang pasok ni Kama
"Natagalan ka ata!" baling ko Sa kanya
"Sensiya naman kinausap ko si Boss." Buti naman kung ganun "Teka sino kausap ni Maam shan?" taka niyang tanong
"malay ko." Kibit balikat ko naman
"Helmet, Hindi ba yun yung Nokia mo?" nagpipigil tawa niya ng makitang hawak yun ni Shanna
"Hindi mo pa rin pala pinapalitan Ang keypad mo pfft." pang aasar niya
"Warka, Di ko naman kasi akalain na nahulog lang pala sa sahig ang sabon."
"Saang Ospital nga Ito Ryo?" baling ni shanna sakin kaya napatahimik naman tung si Kama at sumaludo
"Sa Lancaster Hospital." sagot ko naman
"Lancaster Hospital warka." Ulit niya Sa kausap niya
"Ryo ito oh...Salamat." Sabay abot niya ng Keypad ko
"Walang Problema Shan." lumapit naman ako at kinuha yun napangiti lang siya
Ilang Oras ang lumipas..
"Pre..." tawag ko kay kama na Busy kakalaro sa Cellphone niya ng silipin ko Mobile legend na naman
"Oh?" sagot naman niya
"Nagugutom ako."
"Edi bumili ka! Problema ba yun" hasik niya na hindi pa rin nawawala ang tingin sa Cellphone niya
"Yun nga yung Problema wala kong pambili." Sagot ko
"Bakit? Anong yari?" nagtaka siya tama nga hindi Niya alam
"Checkoff Pera ko." napahimas ako Sa Batok ko
"Pffft. yan ba yung Parusa mo." natatawang
"Ano pa ba sa tingin mo Kama?!" Ang dami pang tanong hindi nalang ibigay ang pera ng makabili na dahil mag be-bente oras kaming magbabantay Kay shanna ngayon
kung hindi lang talaga Checkoff ni King pero ko Hayst.
"Buti yan lang at hindi agaw buhay Pfft."
yun na nga problema para naring inagaw buhay ko dahil ilang Buwan Ako hindi makakain gamit ang perang hindi ko makukuha
"Ano na? Magbibigay ka o hindi?"
para Sa kanya madali lang sabihin dahil wala siya Sa posisyon ko ngayon
"Sandali nga Lang..." panay naman kapa niya Sa bulsa niya
"Yan isaksak mo sa baga helmet!" tinapon niya naman ang limang daan kaya sinalo ko naman
Matutuwa na sana ko
"Utang yan!" pahabol niya pang paalala nawala naman yung ngiti sa mukha ko
"Ano sayo?" Inis kong tanong
"takte! ang bagal kumilos!" nakatutok pa rin yung mukha niya Sa Cellphone
"Ano nga sayo?"ulit ko na parang walang narinig si Kama kulang nalang batuhin ko ng Sapatos tung Lokong to
"Ha?" wala sa sariling tanong niya wala nga talaga siyang narinig
"Hakdog!.." sagot ko
"Seryoso nga Pre.." hindi pa rin siya umaalis ng tingin Sa cellphone niya
"Paulit ulit Kama!" Hasik ko
"Ano nga ka----Ay f**k!" mura niya
"Ano ba ipapabili mo?" Ikatlong tanong nato pag hindi pa talaga to sinagot ni Kama aalis akong walang dala Sa kanya
" 2 Burger ,Pizza at Coke. Haaaay Bwesit!"
"Mas Bwesit ka.." mahinang sabi ko at nagsimulang tumalikod papunta Sa pinto ng makalabas
"May sinabi ka Helmet?" may narinig pa rin pala to sa hina ng sinabi ko himala pero nung malakas ng pagkakatanong ko kanina hindi man lang niya narinig ibang klase naman ata ang tengang meron si Kama at baliktad talaga pagkakarinig
"Wala wala sabi ko Una nako." Paalam ko ng lingunin ko soya ulit
"Sige Pre....bilisan mo." napabaling Lang siya saglit bago hinarap na naman ang nilalaro niya
Akmang hahawakan ko na ang Siradura ng Pinto pero bigla nalang tumama ang Pinto sa Noo ko kaya napaatras ako
'Langya! Sinong Bumukas ng Pinto?!' Mura ko Sa isip
nasapo ko nalang Ang Noo ko dahil may naunang Bumukas ng Pinto galing Sa labas
"walangya hindi man lang kumatok muna bago pumasok!" napapikit ako sa sobrang sakit ng pagtama ng pinto sa noo ko kaya hindi ko na bigyan ng pagkakataon masilip kung sinong tao ang biglang nagbukas ng pinto
Kung hindi ba naman siya padalos dalos yan tuloy ako pa napuruhan na nasa loob
"Kasalanan ko bang haharang harang ka sa pinto." ano ibig niyang sabihin na ako yung tatanga tanga
"Sinasabi mo bang tanga ako?" paninigurado ko naasar ako sa sinabi niya
"Ikaw mismo ang nagsabi."
wala kong pakialam kung Babae man siya
"Hindi sana kumatok ka muna...hindi yung may mapeperwisyo ka pang tao Sa loob." Sambit ko ng maintindihan niyang kahit mag sorry nalang siya ng matapos na bangayan namin dahil siya naman tung may kasalanan saming dalawa
"Paki ko." nakakaubos na talaga siya ng Pasensiya isa pa talagang salita baka ambahan ko nato
"Hindi ko na problema kung nauntog ka man sa Pinto." dugtong niya kaya Hindi ko na napigilan sarili kung mapakamao
"Eh Langya ka pala eh!"
Aambahan ko na sana siya ng Suntok
Pero matigil ako ng makita ang pagmumukha niya...
Parang nakita ko na Mukha niya.
"IKAW?!" napaturo ako Sa kanya ng may maalala.
ーーーーーーーーーーー
END of Chapter 28
ーーーーーーーーーーー
~Sakka-san?