Dedicated to: @hacimalabaso
******
SHANNA POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman ang mainit na sinag ng araw kaya napahawak ako sa Ulo ng mapaupo sa kama
May kunting Kirot pa rin
Ano bang nangyari?
Nang pasadahan ko naman ng tingin Ang suot ko naka Pangtulog nako at nasa sariling kwarto
"Anong.... Paano ako nakauwi?" gulantang kong tanong
"kailan pa ko nakauwi?" napapakamot pa ko ng ulo
diba kagagaling lang namin Sa Paris?
Ano yun?
Isang Panaginip?
Napakasamang Panaginip..
Bakit parang totoo yun?
Nakakatakot naman tinutukan at pinaputukan talaga ko ng Baril ni Devon siguro baliktad yun dahil sabi nila kapag nanaginip ka Kabaliktaran ang mangyayari
Nakahinga naman Ako ng maluwag buti walang nangyaring masama sakin at buhay pa ko
"paano nalang kapag hindi Ako nagising.."
Totoo pa naman yung mga Bangungot na nangunguha talaga....
Pagkatapos kong magbihis ng uniforme ay bumaba nako at naabutan ko si manang na naghahanda ng agahan
"Manang..." bati ko na may ngiti "si Devon po?" Tanong ko ng makalapit Sa kanya mula Sa kusina
"Nakaalis na Ija. hindi ba nagpaalam sayo?" Hindi nga ko ginising eh
"Po? Anong oras Manang?" balik na tanong ko ang aga niya atang umalis
hindi man lang ako hinintay magising.
hindi niya rin ba ko ihahatid?
"Kaninang Madaling Araw mahimbing nga siguro tulog mo ,ija."
"Siguro nga po Manang.."napakamot nalang ako sa buhok ko
Natagalan akong mag commute papuntang University kanina at ikatlong subject nako nakapasok dahil lutang ako buong klase hanggang Sa mag dismissal ay hudyat na lunch break na pala kaya pumunta naman kagad ako Sa cafeteria at tinext si warka
To: Warka ko
Bes, nasa cafeteria ako punta ka libre kita ngayon. Dali! :)
-Shanna
Baka kasi nagtatampo na si Bes dahil wala nakong Oras Sa kanya kaya naman gusto ko siyang makausap ng mailabas ko na naman gusto kong ikwento Sa kanya nung pumunta kami sa Paris at sumakay Sa Malaking Cruiseship
From: Warka ko
Maya na. patapos na klase ko.
-Jen
Napangiti ako sa ni reply niya ng mabuksan iyon
Maya maya nakita ko na siyang papasok kaya kinawayan ko siya para malaman niya kung saan Ako nakaupo
"Bakit mo ko pinapunta?" Bungad niya ng makalapit
"Namiss lang kita. hindi mo na ba ko namimiss warka?"
"Tigil tigilan mo ko sa kaartehan mo!" Kahit kailan talaga tung si Warka
"Nagtatampo ka ba warka?" tanong ko ng tuluyan na siyang makaupo Sa harap ko
"Hindi.." sagot niya ng mapa sandig sa upuan niya
"Yung totoo warka?" pangungulit ko ang seryoso niya kasi at hindi naman tumitingin saakin kundi Sa gilid
"Pakihanap ng paki ko.." walang pakialam niyang sabi
"Warka Bes..." tawag ko mula sa malungkot na boses minsan na nga lang kami magkita tapos ganito pa siya
"Warka Bes ko..." tawag ko uli ng hindi siya umiimik
"Huwag ka ngang makulit..." Beast mode ata si Bes ngayon
"Yieee nagtatampo ka nga.." akmang duduruin ko na si Bes ng winaksi niya lang
"Psh."
"Ano sayo Bes? Mabuti pa umorder muna tayo." Masayang tanong ko "huwag kang mag alala libre ko." at nagsimulang tumayo hinintay ko naman Ang gusto niya
"Imposible namang wala kang kailangan?" tanong niya kaya napa ayos ako ng upo kaharap si Warka bes matapos makuha ang gusto niya at pati sakin
"Hindi porket pinapunta lang kita rito bes may kailangan na?! Ang harsh mo na ha." Napanguso naman ako Sa kanya
"Huwag nga ko Shanna Krish Lawin!" may halong pagbabanta ni Warka
"Hindi naman kasi Sa may kailangan eh..." putol ko Sa sasabihin
"Promise , namiss Lang talaga kita warka dahil may gusto lang talaga kong ikwento sayo." teksman mamatay man hindi kaya ko nag sisinungaling
"Parehas na rin yun..."rinig kong mahinang sinabi ni bes
"Magkaiba Kaya yun." napanguso ulit ako
"Ano na naman bang idadada mo.!." Lumiwanag naman mukha ng marinig ang sinabi ni bes
Ibig sabihin handa ng makinig si bes?
\(^ω^)/
"Siguruhin mo lang hindi katangahan mo maririnig ko!" pahabol pang sabi ni warka kaya napatango tango nalamang Ako
Ngayon uumpisahan ko na nagsimula nakong humugot ng hininga
"Kasi kahapon..."
"Hindi ka pumasok." Biglang putol niya Sa sasabihin ko
alam pala ni bes?
"Oo, pero nag paalam naman Ako na excuse Ako bes." pag amin ko naman
"Kung may sasabihin ka ituloy muna bago pa ko mawalan ng gana!"
"Kasi warka hindi ako sigurado.."napapagulo ko ng buhok ko
"Ano?" nakita kong napataas Ang isang kilay ni bes
Kung panaginip ba o totoo yung nangyari...
"Binaril Ako ni Devon.." natahimik naman siya hindi ko na halos maalala lahat kung ba't umabot sa puntang binaril niya ko
May nagtutulak saakin na parang totoo yun..
"Edi sana nabalitaan kong patay ka na."nanlaki mata ko ng marinig Ang sinabi ni bes
Yun Lang?
Yun Lang reaksyon ni bes?
"Ang sakit mo naman magsalita ,warka."
yung totoo si Warka pa ba to? T^T
"Buti nga nagising ka pa." ramdam kong Sa tono ni bes na parang walang pakialam Hindi niya ba alam na nasasaktan ako Sa Mga binibitawan niyang salita
Pero parang totoo talaga eh...
"Bakit Hindi mo tanungin Ang asawa mo?!" natigilan ako Sa tanong ni Bes
"Hindi ko naabutan Pag gising ko si Devon eh.."
Kasi naman Hindi niya ko hinintay magising at nauna ng umalis ng mansyon gusto ko pa sanang itanong anong nangyari nung nasa Paris kami
'Hays. Panaginip nga ba iyon?'
RYOVEN POV
Namalayan ko naman nag vibrate ang cellphone ko may nag text ata
Helmut, as punish sunduin mo asawa ko. Wala kang ibang sasabihin.
"Edi wow." Nang matapos mabasa Ang text ni King
Simula ng makauwi kami kagabi walang malay pa nun si Shanna na parang natutulog lang pati rin si Zhe Hindi rin nagrereply kung kamusta na ba siya doon nagpaiwanan kasi yun kasama nung dalawang chicks
'Swerte naman ni Zhe..'
SHANNA POV
"Shan." napalingon ako Sa tumawag sakin
"Ryo , ba't ka nandito?" nagtaka ko "nasaan si Devon?" Bakit wala si Devon? si Devon pa naman inaasahan kong susundo saakin pagkatapos ng klase ko
"Masyadong busy si King ngayon Shan." Sagot niya hindi man lang niya pinaalam kagabi o kaya tinext nalang pero wala kong natanggap ni isa mula Sa kanya
"Kaya ako muna inutusang Sumundo sayo." Baling niya
"Ganun ba.." nanghihinayang sabi ko
"Ryo, yung nangyari sa Cruiseship?" baka kasi may idea siya
"Bakit? Anong nangyari Shan?" Napataas Ang isang kilay niya
Nagdadalawang isip Ako kung sasabihin ko ba o hindi
Kasi naman hindi ako sigurado kung magagawa yun ni Devon
"Ahh.. Wala." Isinawalang bahala ko nalang at napabaling sa labas ng bintana nitong kotse
Siguro nga panaginip lang yun..
"Salamat Sa paghatid Ryo.." pahabol ko ng makasakay siya Sa naiwang motor niya Sa labas kasi yung Kotse Pinasok niya na Sa Garahe
"Walang Problema Shan." Paalam niya bago pinaharurot ang Motor niya kumaway na lamang ako
"Uuwi po ba si Devon Ngayon Manang?" bungad ko kay manang na abalang nagluluto Sa Kusina
"Hindi ba nag text sayo , ija?" takhang tanong ni manang napailing lang ako sa sinabi ni Manang hindi nga siya nag reply Sa unang text ko nang pumasok nako
"Subukan mong tawagan, ija?." Suwesyon ni Manang
Kung alam mo lang manang nakailang ulit ko ng tinawagan si Devon pero ni isa hindi pa rin sinasagot
"Hindi rin po siya sumasagot."malungkot na saad ko
"Intindihin mo nalang ija.."sambit ni manang
tanging ngiti na lamang ang sinagot ko.
"Hindi ka ba inaantok ija?" tanong ni manang ng panay lang ako panood ng Tv
"Hindi po manang tatapusin ko lang po Ito.." kahit na Sa totoo lang gusto ko ng umakyat Sa taas at mahiga Sa kama
"Paano ba yan ija inaantok nako." napapahikab na sabi ni Manang
"Sige manang matulog na po kayo." dahil hihintayin ko pang umuwi si Devon pero hindi ko sinabi Kay manang na maghihintay ako
"Paano ka?" halatang walang ideya si manang kung bakit ako nagbabad Sa panood ng Pelikula kahit hindi ko naman maintindihan kung anong storya may parteng nakakatawa kaya tumatawa nalang rin ako
"Huwag ka mag-alala manang Ako na po bahala pumatay Sa ilaw rito.." presenta ko ng hindi na siya mabahala habang nakatutok pa rin ako Sa Tv
"Osige Una nakong matulog, ija ." Nag aalinlangan sang ayon ni Manang
"Goodnight Manang." sambit ko ng makitang patalikod na siya at halatang nagtataka Sa kinikilos ko
'Sorry Manang..' sabi ko sa isip ayaw ko lang kasi madisturbo ko rin si manang
"IKaw rin ija may pasok ka pa Bukas." paalala niya bago naunang umalis
Hindi ko na namalayan Ang Oras tanging Tv nalang ang naka bukas
Sinilip ko naman ang Cellphone ko pero wala pa ring reply ni Devon
Sobrang Busy niya naman ata.
Nawalan naman ako ng gana manood ng Tv kaya pinatay ko nalang rin kaya ang dilim na ng buong Sala panay inat ko dahil unti unti nakong hinihila ng antok
*CLICK*
Nagising ako ng biglang umilaw ang Chandelier dito Sa sala may nagbukas ng Ilaw.
Tatayo na sana ko para batiin kung si Devon na ba.
"De----"natigil ako ng lumitaw si Manang
Akala ko nakauwi na si Devon?
"Ija, akala ko nasa kwarto ka?" tanong ni manang ng makitang nandito pa rin ako sa sala
"maghihintay po sana ko Kay Devon ,manang..."sagot ko na napapakusot mata
"Pero hating Gabi na ,ija. hindi ka ba nilalamok rito?" May Pag aalalang tanong ni manang
"Mabuti pa bumalik ka na sa Kwarto mo ija Baka madaling araw pa si ijo." kahit gusto ko pa man promotesta Kay manang ay hindi ko na nagawa at sinunod nalang sinabi ni manang kasi naman pinag alala ko pa si manang
''Sana naman ayos Lang si Devon.'' napabuntong hininga kong sabi
ーーーーーーーーー
END of Chapter 27
ーーーーーーーーー
~Sakka-san?