Siete — The Scientist in Australia

1013 Words
Pagbalik ko sa laboratory, agad kong nakita ang bagong sample na pinadala ng field team. Naka-attach sa digital report ang detalye ng misyon pati na ang pangalan ng agent na unang nakaramdam na may mali sa biological residue. Binuksan ko ang file habang naglalakad papunta sa main workstation, pero bigla akong napahinto nang mabasa ko ang pangalan. Amire Athanasia Vladimir Diaz. Muli kong binasa. Ewan ko, pero parang may kumurot sa dibdib ko. Pamilyar na sa akin ang pangalang 'to mula kanina, pero iba pala kapag nakasulat na sa opisyal na report. Diaz. Pareho kami ng apelyido. Siyempre, pwede namang nagkataon lang. Maraming taong magkapareho ng apelyido sa mundong ito, at walang dahilan para isipin kong may koneksyon kami. Pero kahit anong pilit kong maging makatwiran, hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ng bagong agent na 'yon. "Dr. Diaz, ready na ang sample." Liningon ko ang assistant ko. Hawak niya ang secured container gamit ang protective case, halatang doble-ingat. "Iwan mo na lang sa examination table. Ako na ang bahala. Siguraduhing active ang containment system at huwag na huwag kang papapasok ng iba nang walang pahintulot ko. Hindi pa natin alam kung anong pwedeng mangyari kapag sumingaw ang residue na 'yan sa hangin." Tumango siya, maingat na inilagay ang lalagyan sa designated station, at lumabas. Naiwan akong mag-isa. Tahimik na tumutunog ang mga makina sa paligid. Isinuot ko ang guwantes ko at sinimulang suriin ang sample, pero ilang minuto pa lang, napansin ko na agad—may mali sa komposisyon nito. May dugo ng bampira. Pero may kasama itong ibang substansiya na hindi ko agad matukoy. "Teka... kakaiba 'to." In-adjust ko ang scanner at pinaulit ang analysis. Habang naghihintay, hindi ko mapigilang balikan ang sinabi sa field report. Agent Amire Athanasia Vladimir Diaz detected the unusual biological activity before the container was opened. Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman? Ordinary agent lang siya ayon sa record. New transfer. Field agent. Basic combat training. No special designation. Walang kahit anong marka ng pambihirang kakayahan. Pero may sumasabog na detalye sa record na 'to: Naramdaman niya ang bagay na halos hindi pa makita ng scanner. Ewan ko, pero gustong-gusto ko siyang tanungin. Hindi lang dahil sa sample, kundi dahil sa tiwala sa sarili na nakapaloob sa report na 'yun. Hindi lang siya nag-ulat; nagbigay siya ng babala bago pa man madiskubre ng mga makina ang panganib. At bago ko pa tuluyang maisara ang digital file, bumukas ang pinto ng lab. "Doctor." Nilingon ko kung sino ang tumawag. Si Marcus pala, kasama ang dalawa pang field agents, at nasa likuran nila si Amire. Bigla akong natahimik. Iba ang dating niya ngayon kaysa kanina. Siguro dahil wala na kaming harang na salamin, at mas nakikita ko nang malinaw ang mukha niya. Tahimik lang siyang nakatayo habang hawak ang communicator, pero nang magsalubong ang mga mata namin, may biglang kirot sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag. Parang may lumang alaala na gustong kumawala, pero madilim. Walang litrato akong makuha sa isip ko. "Dr. Diaz," bati ni Marcus. "Personal naming dinala rito ang report dahil si Agent Amire ang unang nakapansin sa biological activity. Alam kong na-upload na sa sistema, pero mas mabuting marinig mo mismo sa kanya. Hindi siya nag-panic, walang hula-hula, at pinigilan niya kaming buksan ang container nang hindi pa sigurado." Tinuon ko ang tingin kay Amire. "Ikaw ang nakaalam nito?" Tumango siya. "Yes, Doctor. Ako ang unang nakaramdam na may mali sa container, kahit hindi ko pa masabi kung ano eksakto. Ayokong magdesisyon nang walang basehan, kaya sinabi ko lang sa team na huwag munang galawin. Mas mabuting mag-ingat kaysa magsisi." Lumapit ako sa examination table at tiningnan ang sample. "Sabihin mo nga sa akin kung ano ang naramdaman mo bago pa man ito makita ng scanner. Huwag lang ang nasa official report. Gusto ko mismong galing sa iyo ang detalye—kahit gaano pa kaliit—dahil minsan, 'yun ang nawawala sa amin." Sandali siyang natigilan bago sumagot. "May naramdaman akong mali." "Naramdaman?" "Opo. Alam kong medyo malabo 'yun para sa isang scientist. Sarado ang container, pero may kakaibang pressure sa paligid, parang hindi stable ang enerhiya. Hindi ko maipaliwanag, pero alam kong hindi ligtas na buksan 'yon nang walang proteksyon." Tinitigan ko siya nang husto. "Sinasabi mo bang naramdaman mo ang panganib kahit wala pang ebidensya sa makina? Walang leak, walang physical proof. Pero pinatigil mo ang buong team dahil lang sa kutob? Paano ka nakasigurong hindi lang 'yun simpleng kaba dahil first mission mo rito?" Huminga siya nang malalim bago ako sinagot nang diretso. "Hindi ako sandaang porsyentong sigurado, Doctor. Pero sapat na ang kutob ko para pigilan silang hawakan 'yon. Kung nagkamali man ako, e di binuksan din namin pagkatapos ng scan. Pero kung tama ako at may active substance sa loob... huli na ang lahat kapag may napahamak. Mas gugustuhin ko pang magmukhang OA sa pag-iingat kaysa managot sa buhay ng iba." Lumingon ako kay Marcus. "Sinunod niyo ang payo niya?" "Oo," sagot ni Marcus. "At tama siya. Nang i-scan namin nang husto, lumitaw ang biological activity na hindi dapat naroon. Kung binuksan namin sa labas, bago pa man dumating ang medikal, hindi ko alam kung anong nangyari sa team. Kaya mas pinili naming hintayin ang unit mo." Bumalik ang tingin ko kay Amire. "Kahanga-hanga 'yan para sa isang bagong agent. Marami sa mga beterano pa ang nagmamadali para lang matapos ang misyon. Pero pinili mong maghintay kahit pwede kang pagtawanan ng iba. Hindi madaling gawin 'yon." Ngumiti siya nang tipid. "Salamat po. Ginawa ko lang ang nararapat. Para sa akin, mas mainam nang unahin ang kaligtasan kaysa magsugal sa bagay na hindi natin kilala." May kakaiba sa ngiti niyang 'yon. Ewan ko ba. Parang nakita ko na ang ngiting 'yon sa ibang lugar, sa ibang panahon. Imposible. Kung nakita ko na siya noon, e di sana naaalala ko. Dapat lang. "Nagkita na ba tayo dati?" Pagbitaw ko ng mga salitang 'yon, biglang tumahimik ang buong lab. Si Marcus ay napatingin sa akin nang nagtataka. Si Amire naman ay bahagyang natigilan, bago ngumiti nang dahan-dahan. "Siguro po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD