Pagpasok namin sa elevator, tahimik lang ako habang nakatayo sa tabi ng girlfriend ko. Hindi ko na siya kinausap tungkol sa nangyari sa lab dahil alam kong napag-usapan na namin 'yon, pero kahit anong pilit ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang mukha ni Amire. Ewan ko ba, parang may bahagi sa akin na ayaw siyang mawala sa isip ko kahit sandali pa lang kaming nagkita. "Tahimik ka," sabi niya. Liningon ko siya. Nakatutok ang mga mata niya sa akin, at kahit hindi pa niya tinatanong, alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi siya sanay na ganoon ako katahimikan kapag magkasama kami, lalo na ngayong may plano kaming mag-dinner. "May iniisip lang ako." "Siya ba?" Hindi ako agad sumagot. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya tiningnan nang diretso sa mga mata, dahil ayokong ma

