Once

2373 Words

Pagkatapos naming bumalik sa Main Association, agad kong hinanap si Eireen. Hindi ko pa man siya nakikita, alam kong kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyari sa lab dahil may isang bagay na hindi ko kayang i-dismiss. Hindi naman 'yung sample ang pinaka-nakakaabala sa isip ko, kahit alam kong delikado 'yon at kailangan ng seryosong imbestigasyon. 'Yong girlfriend ni Papa. Nakita ko ang reaksyon niya nung mapansin niya ako. Hindi lang 'yon basta curiosity o pagiging protective sa boyfriend niya, dahil may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin na hindi ko maipaliwanag. Para bang nung unang beses niya akong makita, may napansin na siyang hindi ko rin alam. Ewan ko kung galit ba siya, nag-aalala, o kung may iba pang dahilan kung bakit parang ayaw niya akong lumalapit kay Papa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD