THIRD PERSON'S POV: Panay ang linga ni Demir nang makalabas ng building kakahanap kay Amanda at kung saan ito nagpunta. Asar niyang kinuha ang phone at mayro'ng tinawagan. "Search her!" sigaw niya sa tao niyang nasa kabilang linya. "H'wag kayo babalik hangga't hindi niyo nakikita!" Kumukulo ang dugo niya na ibinaba ang tawag at nagpamaywang sabay napahagod ng kanyang baba. Iniisip niya kung nasaan ito ngayon at kung sinong kasama. He hissed. Muli namang nag-ring ang phone niya at agad niya namang sinagot. "Boss, nasa may likod ng building ho sa may garden park, kasama ng pinsan niyo," balita ng isa sa taong pinaghahanap niya kay Amanda at agad siyang nag-tangis. Hindi na siya nag-sayang ng oras at agad umikot at nag-tungo sa pinakamalapit na tambayan dito sa may likod ng building. "I

