(WARNING: The following scenes contain physical and emotional abuse, not suitable for sensitive readers, so please read at your own risk) Hindi pa sa sasakyan natapos ang pag-trato niya ng ganoon sa akin nang padarag niya pa akong hinila palabas ng sasakyan. "Demir!" Pilit kong inaalis kamay niya na ang higpit ng hawak sa akin nang kaladkarin niya ako papasok ng bahay. "H'wag naman ganito oh!" nakikiusap na ako. Pero para namang wala siyang naririnig, nagawa niya pa akong itulak sa sahig na siyang ikinagulat ko dahilan ng pagkakasalampak ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig na lang sa kanya habang tukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ko, sa malamig na sahig. Pasalampak niya ring isinara ang pinto sabay locked at mabilis siyang naglakad papalapit sa akin. Ako naman ay

