Tahimik akong umiiyak, hindi lumulikha ng anumang ingay habang natutulog siyang yakap ako ng mahigpit matapos niyang gawin lahat ng iyon sa akin. Nakatalikod ako mula sa kanya yakap ang aking sarili at tanging kumot lamang ang nakabalot sa hubad kong katawan. Hindi ko lubos maisip kung paano niya iyon nagawa... hindi siya ang tipong kilala ko na mananakit ng ganito... pero totoo nga ang kasabihan, makikilala mo ang tao kapag nakasama mo na sa iisang bahay. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hinigpitan niya lang ang yakap sa akin at nagulat ako nang magsalita siya. "Don't move." "M-Magbabanyo ako..." Saka niya lang niluwagan at sinamantala ko ang pagkakataong makalayo mula sa kanya. Kahit masakit ang katawan ko, pinilit kong makalakad at pumunta ng banyo. Naluha na lang ako p

