Wala siyang ginawa kundi ang suyuin ako, pagsilbihan ako tuwing uuwi siya galing sa trabaho. Hindi niya na rin ako pinapasok pa at ngayon nag-hire siya ng bago niyang sekretarya, at assistant at sa pagkakataong ito, men employees na. Isang sagot isang tanong lang ako sa tuwing kinakausap niya ako. Kita ko na sa kanyang nahihirapan na siyang pakisamahan ako. "Sinabi ko naman sa iyo, kung nahihirapan ka na, p'wede naman na tayong maghiwalay," lamig kong sinabi habang naghuhugas ng mga pinggan na pinagkainan. "Walang maghihiwalay, dito ka lang sa bahay." Sa ginagawa niya ikinukulong na niya ako. Paano? Nararamdaman niyang lalayasan ko siya kapag ako nagkaro'n ng pagkakataon at ang matindi pa, ang daming bantay sa labas kaya hindi rin ako makapag-isip ng plano kung paano makakaalis... H

