Hindi kami tabing matulog, hindi na. Sa guest room ako, mas komportable akong matulog na hindi siya katabi. Pero paglabas ko ng banyo naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang nagtutuyo ako ng buhok. Natigilan ako. "Anong ginagawa mo rito?" "I can't sleep..." Even he looks sleepy. "Ilang gabi na na kitang hindi nakakatabi... I can't sleep properly without you in my bed..." Umakto akong hindi pinansin ang sinabi niya at nag-tungo ako sa closet kung nasaan ang mga inilipat kong gamit at kumuha ng pares ng pajamas. Nakasuot lang ako ng roba at hindi alintana kung nakatingin man siya sa akin. Hinubad ko at isinabit sa sabitan saka ako nagbihis kahit narito siya. "Hindi ka na bata para tabihan," malamig kong sinabi sabay suot ng panty. "Hindi ako tatabi sa 'yo, h'wag ka nang umasa." Sinun

