CHAPTER EIGHTY-FIVE

1661 Words

THREE YEARS LATER.... "Asan na ang pogi kong baby?" Hinanap ko ang anak kong tuwing uuwi ako galing sa trabaho nakasanayan mang magtago. "Labas na ikaw... nandito na si Mama," tuwa kong sinabi at sinenyasan ng tanong sina Lola at Lolo kung saan ito nagtatago. Itinuro ni Lola ang likod ng dibisyon na naghahati sa salas at kusina. Dahan-dahan yumuko at gumapang sa sahig at nakita ko nga na nagtatago ito sa may sulok habang takip ang bibig. "Boo!" Ginulat ko ito at napahalakhak kami ng tawang mag-ina at niyakap ko ang anak kong araw-araw kong na-mi-miss pagkagaling ng opisina. Panay ang hagikhikan naming dalawa nang kiniliti ko ito. "Ikaw ha? Palagi mo tinataguan si Mama!" Pinugpog ko siya ng halik. Sina Lolo at Lola tuwang-tuwa habang pinapanuod kaming mag-ina na naghaharutan. "Mama!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD