Nagmamadali ako, tinakbo ko na ang elevator at kamuntikan pa akong matalisod! Late na ako sa trabaho! Kasalanan kasi ito ni Damian, anong oras na umuwi kagabi sa haba ng kwentuhan namin. Pinigil ko ang papasara nang elevator at agad na sumakay. Bumati naman ako ng magandang umaga sa mga nakasabay ko, at ganoon din sila. Tumingin ako sa suot kong relo. "Lagot na." Yari ako kay boss tigre nito este kay Mr. Gatchalian. Dala ko ang mga reports na kailangan sa meeting presentations niya, sigurado nasa board meeting na sila. Nakakahiya ito! Ako ang secretary pero ako ang hinihintay! Sigurado panay na rin ang tingin nila sa relo, five minutes na akong late! Nang bumukas na ang elevator halos madapa pa ako sa pagmamadali. "Ingat Miss!" panabay nila akong pinaalalahanan ng mga nakasay ko dahil

