"O? Magkakilala kayo?" Nagulat si Mr. Gatchalian nang tawagin ako nito sa pangalan ko lang. Hindi ako makatingin ng diretso kay Demir lalo na hinuhuli niya ang mga mata ko kahit saan ako tumingin at naghihintay ng sagot. "Yes, I've known her, matagal na. She was once my secretary bago mo siya maging sekretarya," sagot niya sa boss ko. Napaawang naman ang bibig ni Mr. Gatchalian sa pagkamangha.. "Woah! Kaya naman pala tumigil ang mundo mo Amanda nang makita mo si Mr. Monterde, minsan ka na palang nagtrabaho sa kanya. Ba't hindi mo naman sinasabi?" Malapit na akong mabugnot sa boss kong ito, hindi marunong makiramdam! Nakakainis! At kung anu-ano pang pinagsasabi, bida-bida! "Kailan ko pa po bang sabihin at ipaalam?" may iritasyon na sa boses ko pero pinilit ko pa rin maging magalang. "

