CHAPTER EIGHTY-EIGHT

1368 Words

Kamuntikan na akong manlaglag sa sahig dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko sa naging banta niya, naagapan niya lang nang hawakan niya ako sa baywang. Parang naglabas ng mga kuryente ang mga kamay niya nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na tumagos sa balat ko kahit may telang nakapagitan. Anong gagawin niya kung sakaling malaman niya ang totoo? Ilalayo ba niya ang anak ko sa akin? Hindi, hindi ako papayag! Ang akala ko tapos na siya sa pagtatanong hindi pa pala. "Sino ang lalaking nakabuntis sa iyo, anong pangalan? Kung tunay ngang hindi ako ang ama?" Bakit niya ba tinatanong?! Required ba na sabihin ko kung sino ang naging boyfriend ko?! Nakakainis. Pressure tuloy akong mag-isip, hind ko alam kung anong isasagot ko, kahit anong halukay ko sa isip ko ng p'wedeng pangalan kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD