Walang gabing hindi ako umiyak, walang oras na hindi ako nangungulila. Hawak ko ang litrato niya habang nasa bahay kami, nagliligpit at nag-i-impake. Inalwan na namin ang mga gamit ni Inay, ang iba na gamit niya ay sa akin, itinago ko bilang alaala. Lilisanin na namin ang bahay na kinalakihan tutal wala na ring dahilan para manatili pa kami rito. "Amanda." Agad akong napalingon nang marinig ang pag-tawag ni Damian na ngayo'y nakatayo sa may pintuan. May dalawang linggo na ng mawala si Nanay pero ngayon ko lang nakita ang balahibo nito. "Pumasok siya ng bahay at nasa mga gamit na naka-impake siya nakatingin. "Hindi ko alam..." batid niyang ngayon niya lang nalaman ang nangyari. Mapait akong ngumiti. "Ayos lang, hindi naman kita inaasahan," saad ko na hindi maitago ang pagdadamdam sa ka

