Pinigilan ako ni Demir nang akmang gusto kong pumasok sa O.R at umiling siya batid na hindi maaari. "You're not allowed there," he said but I look at him with my pleaded eyes. "Hindi ka nila papapasukin." "S-Si Nanay..." tanging iyon na lang ang nasambit ko. "Kailangan niya kami sa tabi niya." "Yes, I know but you can't go inside. Ang magagawa na lang natin ay maghintay rito sa kalalabasan ng operasyon," batid niyang wala kaming ibang p'wedeng gawin. "P-Paano kung..." Napakurap ako kasabay nang pagtulo ng luha ko. "Paano kung 'di niya... 'di niya..." Bigla niya akong niyakap at sa balikat niya umiyak. "Sshh, she's going to make it," pagpapalakas niya ng loob ko. Sa lagay ng Inay ko ngayon hindi ko maiwasan hindi mag-isip ng mga posibleng mangyari, nandito nga si Demir, sinagot niya l

