Hanggang ngayon iniisip-isip ko pa rin ang sinabi niyang iyon. Mahal... pagmamahal? Maaari nga ba maramdaman sa loob lang ng maikling panahon? Sapo ko ang dibdib ko sa may parteng puso na kay lakas ng pag-t***k. Ako ba? Iyon din ba ang nararamdaman ko? Pero isa lang naman ang malinaw sa akin, attracted ako sa kanya, malakas ang hatak niya at hinahangaan ko ang mga panlabas niyang mga katangian kasi sino ba naman ang hindi? "Amanda," tawag niya sa akin nang maabutan niyang nakatulala ako sapo pa ang dibdib ko habang nakaharap sa bintana. "Anong iniisip mo?" usisa niya. Binalingan ko siya at ganap siyang hinarap. "Wala..." Nag-iwas ako ng tingin. "Tell me," he really wants to know because he's not convinced. "Wala nga. Iniisip ko kung kailan ba ako makakabisita kay Inay, isang ling

