"Mr Monterde!" masayang bati kay Demir ng isa sa mga ka-bussiness partners niya nang makapasok kami sa board room. Lima silang mga kalalakihan na naghihintay rito sa amin, mayroong gaganaping early meeting kaya dito kami agad dumiretso. "Mr. Ranchaco," pormal namang bati rin ni Demir at nakipagkamay rito ganoon din sa apat pang nagngangalang Mr. Davis, Mr. Facado, Mr. Hemuell at Mr. Gustavo. "Ipakilala mo rin naman sa amin itong magandang binibini kasama mo, mukang may kasama ata tayong bagong mukha," si Mr Facado na mukang tatay ko na. "Who is she, Demir?" si Mr. Davis. "Bago?" si Mr. Facado naman na ngumisi. Agad naman akong itinabi ni Demir at pasimpleng inilagay ako sa likod niya at hilaw na ngumiti sa mga kalalakihang ito. "She's Amanda, my personal and my executive assistant a

