Today, is Monday. Kinakabahan ako sa muli kong pagpasok sa company ng boss ko, o mas tamang tawaging boyfriend ko. Napagusapan namin kagabi na h'wag munang isiwalat ang relasyon namin dahil baka tularan ng mga empleyado niya, bawal ang relationship sa trabaho. Ayaw niya pang pumayag noong una pero nakumbinsi ko rin naman dahil hindi kami makakagawa ng maayos sa office kung lahat ng tao roon alam kung ano nang mayroon dalawa. Hindi naman kailangan sabihin agad, may tamang oras para doon. Sa ngayon secret muna, h'wag lang pamarisan at nang makaiwas sa usap-usapan. Boss ko siya at empleyado niya ako kapag nasa opisina, pero dito sa bahay ay ibang usapan na, obligado na kami sa isa't isa. Inaayos ko ang necktie niya habang pareho kaming nasa tapat ng body mirror, at siya naman ay inaayos

