Hindi ako nagsalita, natapos na lahat-lahat ng pagkain wala siyang narinig sa akin. Ako nang nag-ligpit, nag-hugas ng mga plato na pinagkainan namin habang siya may kausap sa phone tungkol sa trabaho. Umakyat na ako patungong silid nang walang imik para ayusin na ang mga gamit ko at ialis na mula sa maleta. Ilagay ko raw sa mga kasunod ng hanay ng mga damit niya sa closet ang mga damit ko para iisa na lang kami ng damitan. Ramdam kong nakasunod siya ng tingin sa akin at pinakikiramdaman ako. Masama ang loob ko, h'wag niya akong kakausapin. Tutal ayaw niya naman kinokontra ko siya. Pumasok na ako sa silid at nag-tungo sa may sulok kung saan ang mga gamit ko. Bigla na naman akong sinalakay ng matinding lungkot. "Siguro kung hindi ka nawala, Nay... 'di ko kailangan makisama ng ganito sa

