"Hindi mo sinagot ang tanong ko, ano iyang niluluto mo?" Ilang kong tanong para ibahin ang usapan. Ayaw ko ng ganito siya makipag-usap sa akin, parang ibang tao ang dating masiyado mahigpit... pero naiintindihan ko naman dahil alam ko takot lang siya sa sarili niyang anino at takot gawin sa kanya ang mga gawain niya. "Italian Brunch Torte," sagot niya at binalikan ang niluluto. Sandali niya akong binitawan at hinango na mula sa pan ang ginawa niya. Mukang ang sarap. In-slice niya at natuwa ako sa itsura para itong itsurang club house nang nahati-hati. "Sandali, ayusin ko na ang lamesa. Kukuha na rin ako ng kape natin." Nag-tungo ako sa may cabinet at kumuha ako ng dalawang tasa at kumuha ng brewed coffee mula sa machine. "Gusto mong lagyan ko ng creamer?" tanong ko habang sinasalinan

