Naglalakad na ako pauwi nang makababa ako ng jeep. Nakakapagod ang araw na ito, ang daming mga nangyari. Gusto ko nang makarating ng bahay nang makapahinga na 'ko at makita ko lang ang baby ko, tanggal na lahat itong pagod ko, sigurado nagtatago na naman ito kung saang sulok ng bahay. Napangiti ako habang naglalakad, ang anak ko na ang dahilan ko ngayon kung bakit ako masayang pumapasok sa trabaho at umuuwi ng bahay araw-araw. Dati si Inay ang inspirasyon ko para magsumikap, pero ngayon ang baby ko na ang pumalit sa kanya. Simula ng dumating Dylan sa akin, hindi na ako kailan man nakaramdam ng pagod sa tuwing pinagmamasdan ko ito. Masaya na mahirap maging isang ina. Andiyan ang pagsubok, madalas pagod pero kapag nakikita mo na ang anak mo, parang bigla ka na lang ma-re-recharge at bi

