Chapter Forty One Ang paalam na sandaling kwentuhan ni Yoko ay inabot ng hanggang tanghalian. Hindi nila namalayan ni Andrea ang oras. Nagulat na lang si Yoko nang mapatingin siya sa relo niya. "Shocks! Alas dose na pala? I have to go," natatarantang sabi ni Yoko. "Aalis ka na? Dito ka na mag-lunch," aya naman ni Andrea. "Oo nga, Yoko. Kumain ka muna ng lunch bago ka umalis. Hindi pa yata kayo tapos magkumustahan ni Andrea eh," rinig nilang biglang nagsalita si Travis mula sa likuran nila. Sabay pa silang napalingon ni Andrea sa pinanggalingan ng boses. "Boss Travis, hindi ako nakikipagchismisan!" depensa kaagad ni Andrea. "Hindi siya galit, Andrea. Di'ba, Travis?" assurance naman ni Yoko sa kaibigan. Kaagad namang ngumiti si Travis sa kanilang dalawa. "Bakit naman ako mag

