Chapter Forty "Hindi mo man lang ba ako aalukin ng kape or juice?" tanong ni Yoko kay Travis. "I could give you more than coffee and juice, Yoko. Pero hindi mo naman 'yon tatanggapin," tugon ni Travis habang nakasandal ito sa sofa at nakapikit na tila nagpapahinga dahil pagod na ito. "Ay, ang lalim ng hugot. Mukhang pagod na pagod na sa akin ah?" biro pa ni Yoko kay Travis pero nanatili lang itong nakapikit at walang imik. "So, you are giving up on me," konklusyon ni Yoko. "Hindi ako sumusuko, Yoko. I am just trying to find my worth in this world. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa'yo kung ayaw mo na," tugon lang din nito sa kanya. Napatango naman ni Yoko sa sinabi nito. Tumayo si Yoko at nagtungo na sa pinto ng opisina ni Travis. Napadilat ng mga mata si Travis. Akala niya

