Chapter Thirty Nine Saktong natapos ng tanghalian ang pamilya nila Yoko nang dumating si Travis. Wala namang imik ang Papa ni Yoko sa dumating na binata. "Magandang hapon po," bati naman nito sa mga magulang ni Yoko. Nanatili lang namang nakasimangot ang ama ni Yoko. Palihim na natatawa si Yoko sa reaksyon ng ama nito. "Magandang hapon naman, Hijo," tugon na lamang ng Mama ni Yoko. "Wala po yata sa mood si Tito ngayon ah?" komento naman ni Travis nang mapansin ang nakabusangot na mukha ng ama ni Yoko. "Anong wala sa mood? Galit 'yan. Naku, kung ako sa'yo? Hindi muna ako magpapakita kay Papa," bulong naman ni Yoko kay Travis. "Luh? Bakit naman? Good vibes pa kami niyan ni Tito kagabi eh," nagtatakang tanong naman ni Travis dito. "Nagkita kayo kagabi? Nagpunta ka sa bahay nami

