Chapter Thirty Eight Lumipas pa ang dalawang araw, naging abala si Yoko sa pag-asikaso ng trabaho at papeles niya. She will go back to Australia in two weeks. Naging tahimik din naman ang dalawang nagdaan na araw niya dahil walang Travis na nanggulo o nagparamdam sa kanya. Sanay naman siya. Hindi naman niya ito hinahanap, talagang nagtaka lang siya. Nakapagpaalam na rin naman siya sa kaibigan niyang sina Jiro at Janice. Mahaba-habang iyakan pa nga ang naganap na akala mo naman ay hindi na siya babalik. Samantalang uuwi uwi rin naman siya sa Pilipinas para makapagbakasyon. At iba naman na ang sitwasyon ngayon. Hindi na kagaya noon, nangako na siya sa mga ito na palaging tatawag at magvideocall. Hindi pa siya nakapagpaalam sa mga magulang, pero pinaplano na rin naman niyang magsabi sa m

