Kiana POV
Nagising ako nang may narinig ako na mga sigawan sa labas ng kwarto........Teka kaninong kwarto ito??
Hindi ko nalang pinansin kung nasaan ako dahil alam ko naman na hindi pa ako nakakalabas sa impyernong kaharian na ito.........
Lumabas ako ng kwarto kahit hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ko. Nakita ko sa baba na may kasiyahan, siguro ito yung pinag-uusapan nila dito. Lahat ng mga tao doon ay mga nakaitim at mga nakamaskara kaya hindi ko makita ang kabuuan ng kanilang mga mukha. Nakita ko naman sa harap na may isang lalaking nakaupo sa isang gawa sa ginto yatang upuan at malaki ito kumpara sa simpleng upuan. Nakasuot yung lalaki ng puro itim mula ulo hanggang paa at may kapa sya at nakamaskara din sya kaya hindi ko alam kung sino ang lalaking ito pero malakas ang kutob ko na sya yung boss nila dito, yung hayop nilang boss!!!
"Sisimulan na natin ang ating seremonya kaya magsiupo na kayong lahat" Banggit ng isang lalaki sa harapan. Napatigil din ako dahil gusto kong makita ang gagawin nilang seremonya kaya nagtago ako sa isang hindi masyadong pansin na lugar pero kitang kita ang mga gagawin nila.
"May napili na po ba kayo mahal na hari?" Napatingin naman ako doon sa lalaking nakaupo sa harapan.....
"Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko kaya hahayaan ko na kayo na ang magdesisyon kung sino" Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang ginagawa nila at bakit may kailangan pumili?
"Sigurado po ba kayo na wala talaga kayong mapili sakanilang lahat?" Nakita ko naman na ngumisi sya......
"Kung tutuusin meron na talaga akong napili...."
"Sino naman po ito?"
"Alam kong nalulungkot kayong lahat dahil hanggang ngayon ay wala parin akong naihaharap sainyo ngayong eclipse.Pero wag kayong mag-alala dahil sa susunod na eclipse sigurado akong may maihaharap na ako sainyo na bata" Kumunot naman ang noo ko sa binanggit nya..Bakit kailangan may maiharap syang bata? Anong kinalaman ng bata dito? Wag nilang sasabihin na kakainin nila yon o kaya iaalay sa kung sino man ang diyos nila? s**t! Kaawa-awang bata kung mangyayari yon sakanya.
"Maaari nyo naman na po itong gawin ngayon dahil lahat naman na ng babaeng dalaga dito ay mga handa na kapag sila po ang iyong napili at isang kasiyahan sakanila kapag sila ang napili nyo dahil may naghihintay na sakanyang trono kapag nangyari iyon" Hindi ko talaga malaman kung ano ba talaga ang balak nila.....
"May hihilingin po sana kami saiyo mahal na hari..."
"Ano naman iyon"
"Gusto po namin na sana ang piliin nyo na maging kabiyak ay si Valeria. Kapag sya po ang pinili nyo ay tiyak na magagampanan nya po ng maigi ang kanyang magiging trono at responsibilidad sa kaharian” Nakita ko naman na ngumisi yung hari nila at tumayo sa kinauupuan nya.
"Dalhin nyo sa akin si Valeria ngayon na”Utos nya sa mga tauhan nya at agad naman itong nagtungo sa isang babae doon at dinala ito sa harap ng hari...
"Kaya mo ba tanggapin ang magiging trono, Valeria?" Tanong naman nito sa seryosong tono.
"Tatanggapin ko po ito ng walang pag-aalinlangan, mahal na hari" Sagot naman nito sa masayang tono. What?! Diba sya yung babaeng seryoso at mayabang?
"Kung ganun hintayin nalang natin ang seremonya ng kasalan sa mga susunod na araw" Sambit nito at agad na bumalik sa kanyang kinauupuan. Para akong nakaramdam ng kaunting inis dahil ganun nalang ba sakanila ang kasal. Alam kong isang beses ka lang ikakasal kaya dapat sa tamang lalaki at sa taong mamahalin ka ng tunay na hindi yung ibibigay mo nalang ang sarili mo sa isang lalaking mataas sa katungkulan para ikaw ay mailuklok sa mataas din na pwesto......
Parang nanikip ang dibdib ko nang makita ang nagsisiyahan na mga bampira. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayong sakit. Hindi naman dapat ako nasasaktan diba dahil wala naman akong kinalaman sa lahi nila.
“Bakit ba naninikip itong dibdib ko? Wala naman akong sakit sa puso ahh....”
Sa sobrang sakit ng puso oo hindi ko na magawang makahinga ng maayos. Ngayon lamang nangyari sa akin ang ganito dahil noong nasa normal na pamumuhay pa lamang ako hindi naman ako nakakaramdam ng ganito.
Tumingin ako sa direksyon ng hari nila at nakita ko itong nakikipagsiyahan sa mga kapwa nito.
Ano ba talagang nangyayari? May kinalaman ba to’ dito? Hindi ko gusto yung hari at lalong lalo na yung Valeria dahil hindi kami talo.
Napasandal ako sa may pader upang hindi ako matumba at minasahe ang dibdib ko para kahit papaano ay mawala ng kaunti ang nararamdaman kong sakit. Nakakaramdam na din ako ng hilo at pagkamanhid ng katawan dahil sa nangyayari na ikinaalarma ko na.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na may biglang humila saakin, sisigaw na sana ako pero bigla nyang tinakpan ang aking bibig.....
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking to’ kaya kahit nananakit pa din ang dibdib ko ay nakipaghilaan din ako sa lalaki. Kung dadalhin man ako ng lalaking to’ sa kamatayan hinding hindi ko sya papayagan dahil marami pa akong pangarap kahit yung iba ay sinira na iyon. Gusto ko pa makalabas sa lugar na to’ at hahanapin ko pa ang mga kaibigan ko.
Malakas ang pagkakahigit sa akin ng lalaki pero hindi pa din ako tumigil.
“Ano ba!! Bitawan mo nga akong hay*p ka! Sino ka ba?! Bitawan mo ako!!!” Hinintay ko itong sumagot pero tanging paghila lamang ang ginagawa nito sa akin kaya nang mainis ako sa pagtrato nya humanap ako ng pagkakataon upang masipa ito pero isa ko yong pagkakamali dahil naging mabilis ang galawa nito at ngayon ay bitbit na nya ako na parang sako.
“Ano ba!! Ibaba mo ako!! Kung papatayin mo man ako pwes samahan mo din ako!!” Alam kong imposible ang sinabi ko pero malay mo samahan nya talaga ako.
Nahihilo at sobrang nananakit na ang dindib ko dahil sa pwesto ko pero pilit ko pa din ang sarili na hindi mawalan ng malay dahil baka kung ano ang gawin sa akin ng lalaking to’
“Ibaba mo ako!!!” Kinampay kampay ko ang paa ko upang matamaan ko sya pero hindi iyon nagtagal dahil naramdaman ko na kinulong nya ang hita ko.
"Wag kang maingay" Rinig kong sambit ng isang lalaki..
Wag akong maingay? Gag* ba sya?! Sa tingin nya hindi ako mag-iingay sa ganitong kalagayan?!
------to be continued-----