Chase POV
Habang nandito sya sa kwarto ko parang may nararaman akong kakaiba at malakas din ang tunog ng puso ko. Ano ba ang nangyayari saakin? Yung nangyari kagabi may kinalaman ba yun sa nangyayari sa akin ngayon?
"Okay na" Sambit nito pero hindi ko parin matanggal ang tingin ko sakanya. Kanina pa ako nakatingin sakanya at ang nakikita ko lang ay ang mala-anghel nyang mukha alam kong corny ko pero sinasabi ko lang naman ang totoo
Nung tinanong nya kung nasaan na ang susuotin ko tumayo na ako at kinuha ang suot ko sa kama at pumunta na sa banyo. Habang nasa banyo ako rinig na rinig ko ang tunog ng aking dibdib. What's happening to me?
"Ayos na ayos po" Nakangiting sambit nya kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti pero agad ko naman itong tinatago. Nagpasalamat ako sakanya at natawa ako sa una nyang hiling ang pagkain pero nabalik naman ako sa reyalidad nang tinanong nya saakin kung nasaan ang mga kaibigan nilang mga lalaki, hindi ko pa pwedeng sabihin yun sakanya at sakanila pero mukhang malalaman din nila agad maslalo na nakawala na ang mga lalaking yun.
Padabog syang lumabas ng kwarto ko at naiwan naman ako sa loob ng kwarto ko, rinig ko parin ang t***k ng aking puso at parang may kirot akong naramdaman nang lumabas yung babae. Hindi ko pa nga pala sya kilala, siguro sa susunod ko nalang sya kikilalanin.
Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko sa labas lahat sila ay abala sa paghahanda at pagdekorasyon sa buong hall way. Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng pagkain at para ibigay iyon sa babae na nag-ayos saakin kanina. Para narin iyon sa pasasalamat ko sakanya.
Nung nakakuha na ako ng pagkain ako narin ang nagdala nun sa kulungan para personal ko itong iabot at personal na magpasalamat. Pagkapunta ko sa helera ng mga kulungan kung nasaan ang kulungan nila may narinig agad akong hagulgol ng isang babae kaya hinanap ko naman kung saan nanggagaling ang tunog na iyon at hanggang sa napadpad ako sa kulungan ng magkakaibigan pero imbes na marami sila doon na babae ang naabutan ko nalang ay yung babae na nag-ayos saakin kanina, sya nalang ang nakakulong doon kaya nagpasya akong buksan ang kulungan at pumasok ako sa loob dala ang pagkain na hiniling nya saakin kanina.
"Ito na yung pagkain mo" Hindi sya umimik at hindi rin nya tinanggap yung pagkain na binigay ko at nanatili parin na umiiyak.
"Nasan mo dinala ang mga kaibigan ko Hayop ka?!!!" Sabat nya saakin buti nalang naibaba ko na yung pagkain kundi tumapon ito. Umiling lamang ako at wala akong masabi dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang mga kaibigan nyang babae dahil wala naman akong inutos sa mga kawal.
"Paanong hindi mo alam diba ikaw ang boss dito kaya imposible na hindi mo alam kung nasaan sila!!!!" Sigaw nanaman nya at humagulgol pa sya lalo ng malakas. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil para akong natataranta at parang gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa dahil para sakanya ay kasalanan ko ang lahat, oo kasalanan ko yung sa mga iba nyang kaibigan pero wala akong alam doon sa mga babae kung bakit sila nawala dito
"Wala akong alam tungkol dyan"Mahina kong sambit pero halata kong narinig nya iyon dahil napatingin sya saakin gamit ang mapagtanong nyang mga mata
"Hindi ko alam? Sinungaling ka!!!" Naramdaman ko nalang ang palad nya ay tumama sa aking pisngi kaya napahawak ako dito at alam kong narinig iyon ng mga kawal dahil lahat kaming mga bampira ay matatalas ang mga pandinig kaya lumapit agad sila doon sa babae at tinapatan nila ito ng kutsilyo sa leeg. Nakita ko naman na ngumisi lang yung babae na para bang hindi sya natatakot sa pwedeng mangyari sakanya
"Sige patayin nyo ako! Dyan naman kayo magaling diba sa pagpatay kayo magaling!!!" Maslalo nilapit ng mga kawal ang kutsilyo nila sa leeg nito na nagsanhi ng pagdugo ng leeg nya. Nakaramdaman ako ang malakas na t***k ng aking puso habang nakikita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa leeg ng babae, parang may nanghihikayat saakin na sipsipin ang dugo pero may nagsasabi din saakin na wag ko itong sipsipin. Sinenyasan ko ang mga kawal na lumabas ng kulungan at wala sa sarili ko naman na binitbit yung babae palabas ng kulungan. Habang bitbit ko sya palabas marami ang nagtitinginan saamin pero agad naman nila iniiwas ang mga tingin nila saamin dahil alam na nila ang mangyayari kapag tumagal pa ng ilang minuto ang titig nila.
"Boss kami na po ang magdadala sakanya" Tumango naman ako at binigay sakanila yung babae na nahimatay na dahil sa dami ng dugo na lumabas sakanya.
"Wag nyo sya gagalawin dahil kapag may nalaman ako na ginalaw nyo sya alam nyo na ang mangyayari sainyo, maliwanag? Bantayan nyo na lang sya sa labas ng kwarto" Sambit ko at nagtanguan naman sila.
Pumunta na muna ako sa mismong pinuno ng mga kawal dito.
"Sino ang may pakana ng pagkawala ng mga babae doon sa kulungan?" Nakita ko naman na kumunot ang kanyang noo
"Wala po akong inutos sa mga kawal na gawin iyon boss" Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o hindi pero wala sa sariling tinalikuran ko yung pinuno ng mga kawal at dumiretso sa kwarto kung saan nilagay yung babae.
"Kamusta na sya?" Tanong ko sa mga nagbabantay sa labas ng kwarto
"Pinatingin po namin sya sa doktor natin dito,wala naman daw pong dapat ipag-alala dahil shock lang daw po iyon dahil sa pagkakadaplis ng kutsilyo sa kanyang leeg" Sambit naman nito at tumango nalamang ko. Tama ang narinig nyo may doctor talaga kami dito may kinagat kasi akong limang doctor at limang nurse noon kaya sila ang ginagamit namin para magpagamot para hindi na namin kailangan lumabas dahil baka makita pa kami ng mga tao
Pagkapasok ko naman sa kwarto naabutan ko syang nakahiga sa kama na parang walang nangyari sakanya. Umupo naman ako sa tabi nya. Naramdaman ko naman ang pagtibok ng aking puso kaya hindi ko nanaman alam kung ano ba talaga ang nangyayari saakin kailangan ko yata magpacheck up sa doctor para malaman ko kung ano ang nangyayari saakin.....
--------- to be continued ---------