⚠All the names and other details contained in the story are all fiction.
Nag-iba ang lahat simula nung nakilala ko sya.Nung nakilala ko ang lalaki na nagpapatibok ng aking puso.Pero sa kabila nun may tinatago syang lihim na hindi dapat malaman ng iba. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa oras na makita ko sya sa ganung itsura at sitwasyon. Gwapo sya at isang makisig na lalaki.......pero sa likod nito ay isang nakakatakot na aura na bumabalot sa katauhan nya.
Itong nararamdaman ko ay delikado.....hindi ko dapat ito nararamdaman sakanya dahil hindi sya isang normal na tao.
---------------------------
"Oo isa akong bampira.... pero handa kitang ipaglaban Kiana" Umiling iling ako at bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Hindi tayo pwede Chase!"
"Sino naman ang nagsabi!!" Napatigil ako sa pagsigaw nya. Seryoso sya. Iba ang reaksyon nya kapag seryoso na sya. At nakakatakot ito.......
"Ano nalang ang sasabihin ng mga kalahi mo?"
"Ako ang hari. Ako ang nasusunod saamin at wala silang pakealam kung ano ang magiging desisyon ko at kung sino ang mamahalin ko!" Nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko at hinawakan muli ang dalawa kong kamay.
"I love you Kiana. I love you. Please take me honey...... Sorry sa mga nagawa kong mali sayo at sa mga kaibigan mo. Please take me..... and don't leave me. I love you........ please love me back. Gagawin ko ang lahat para di mo ako iwan. Ipaparamdam ko sayo na seryoso ako sa pagmamahal ko. Wag mong intindihin ang iba. I love you......... don't leave me." Umiling iling ako at lumuhod na din at ngayon ay magkapantay na kami. Bumitaw ako sa pagkakahawak nya at nilagay ko ang dalawa kong palad sa magkabila nyang pisngi.
"I love you too Chase and I will never ever leave you." Hinalikan ko ang kanyang noo para tumigil na ito sa paghikbi at tinignan ko syang muli gamit ang matamis kong ngiti.
"Promise?" Natawa ako sa itsura nya na akala mo ay batang iniwan ng nanay.
"Promise. Tumayo kana dyan. Hindi bagay sayo na nakaluhod. Hari ka pa naman." Hinila ko ito ng buong makakaya ko pero isang hila lang nya ay bumagsak ako pero buti nalang sinalo nya ako.
"Be my queen Kiana......... please marry me....." Nagulat ako sa sinabi nya pero ang masnagulat ako ay nung hinalikan nya ako. Hindi lang basta simpleng halik.... kundi torrid kiss.
"Hindi pa kita sinasagot. kasal agad?" Pinigilan ko ang kamay nyang gumagapang patungo sa may hita ko dahil hindi ako gaanong komportable.
"Doon din naman tayo pupunta......" Inirapan ko ang pagngisi nito habang patuloy pa din pinipigilan ang kamay nitong malikot dahil baka kung saan mapunta ang gianagawa nya.
"Why you don't want my hand?" Tinignan ko ito pero agad ko ding iniwas dahil sa nakita ko ang matalas nitong ngipin na lumalabas na.
"Don't kill me." Pabiro kong sambit.
"Did I scare you babe?" Umiling ako at kabay naman nito ang pagwala ng pagkakatalas ng ngipin nya.
"Kiana....." Nilingon ko ito.
"I want a baby now....... a baby vampire" Napaubo ako nang marinig ang hindi ko inaasahang marinig sakanya.
"What?! Kanina kasal lang ngayon anak na?"
"Of course! As I said doon din naman ang punta natin." Napatanga nalamang ako.
Shit! Makakayanan ko kaya ang bampirang to'?
---------------------------------