Chapter 1

1036 Words
Kiana's POV   Kriiiiiiiing!!!!!   Napabalikwas ako ng gising ng biglang tumunog ang alarm clock ko.   "Ano ba yan!!!" Naiinis kong sambit. Hindi ko nga  alam kung bakit ako naiinis, siguro dahil narin sa paggising saakin ng alarm clock.   "Ano ba kasing meron ngayon?" Tanong ko sa sarili. Lumapit ako sa kalendaryo ko, doon ko kasi nilalagay yung mga pupuntahan ko o kaya yung mga okasyon. Nakita ko yung date ngayon na nakabilog at may nakalagay na "Trip ng barkada". Bigla akong nagulat ng biglang tumunog ang cellphone ko, sinagot ko naman ito.   "Hello...."   "(Hello,nasan kana,ikaw nalang ang hinihintay namin)" Bigla tuloy akong naalerto ng sinabi saakin yun ng kaibigan ko kaya agad na akong pumunta sa CR upang maligo na. Kainis! Bakit ba hindi ako nagising agad! Ayan tuloy nagmamadali ako sa pag-aayos.   Naligo na agad ako, mga ilang buhos lang yata ang nagawa ko dahil sa pagmamadali ko, muntikan ko na nga rin nakalimutan na magsabon. Inayos ko na yung mga gamit ko na kailangan. Bumaba na ako sa kwarto at naabutan ko yung mga kaibigan ko na nakabusangot sa living room.   "Sorry hindi agad ako nagising" Ngumiti ako ng pilit sakanila pero walang bisa dahil mga nakabusangot parin ang mga mukha nila.   *   Nandito kami ngayon sa isang kilalang resort. Hindi ko nga alam kung saan nila natuklasan ang ganitong lugar. Malayo kasi sya, mga 6 hours ang byahe namin papunta dito, at para syang isla,natatakot nga akong maglakad na mag-isa dahil malapit lang ang gubat dito.   "Uyy ,tara na sa mga kanya-kanyang room natin dito, binigay ko naman na sainyo yung number ng magiging room nyo" Tumango nalang kami sa isa naming kaibigan.   Dumiretso na ako sa sa room ko doon upang makapagpalit na, gusto ko narin kasing lumangoy dahil parang tinatawag ako ng tubig. Maganda din ang view dito kaya pwede kang magpictorial dito.   Nung nasa room na ako, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa malapit na gubat, mukha syang nakakatakot dahil parang may kakaiba doon at kapag tinignan mo ang gubat parang sinasabihan ka nito na wag kang pumunta dahil delikado.   Lumabas na ako ng room ko at umupo sa puting buhangin. Ang sarap ng hangin na humahampas sa balat ko,ramdam ko ang lamig ng hangin at rinig ko ang mga tunog ng agos ng tubig at ang tunog ng mga ibon. Pinikit ko ang mga mata ko upang maramdaman pa lalo at madama pa ang sarap ng hangin.   "Pssst" Napamulat ako ng bigla akong makarinig ng tawag, tumingin ako sa kaliwa't kanan ko at sa likod pero wala akong makitang tao. Pinikit ko nalang muli ang aking mga mata upang hindi na intindihin ang tawag.   "Pssst" Nagmulat nanaman ako ng aking mata pero wala talaga akong makitang tao. Inisip ko nalang na baka pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko.   "Kiana,kanina ka pa ba dito?" Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita. Tumango lang ako at saka bumalik sa pagkakapikit. Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga ng kaibigan ko, pero hindi ko iyon pinansin.   *   Gumagawa ngayon ng campfire ang mga kaibigan ko dahil gabi na daw at maganda daw gawin ang pagcampfire. Hindi ko nga alam sa mga kaibigan ko kung bakit nila gustong magcampfire ehh hindi naman kami boy scout o kaya girl scout para gawin yun.Tssss   "Guys tara na handa na yung apoy!" Sigaw naman ni Adrian(isa kong kaibigan). Nagsipuntahan naman yung mga iba kong kaibigan at pumalibot na sa kahoy na may apoy. Yung iba ay may mga dalang marshmallows dahil lulutuin daw nila ito sa apoy, naisip ko nga bigla na sana pati sila masunog na doon kasama nubg marshmallows nila,pero ang sama ko naman kung ganun. hehehehe..........   Habang tumatagal ako dito sa labas,parang may bumubulong saakin dito. Parang gusto nila na papuntahin ako sa malapit na gubat doon. Wala akong alam kung ano ang nangyayari saakin. Gusto ko nga sana pumunta doon sa gubat pero gabi na at wala naman akong alam sa gubat doon at baka mapahamak lang ako kapag sinubukan kong pumasok sa gubat. Pumikit na muna ako pero minulat ko ito agad ng may biglang tumawag saakin. Lumingon-lingon ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay nagtatawanan na.Nababaliw na yata ako dahil sa mga naririnig ko kung saan-saan. May mangkukulam ba dito or anything else. Ngayon lang kasi ako nagkaganito, dito lang talaga sa lugar na ito ako nagkakaganito, sa bahay kasi wala naman akong naririnig na kahit ano. Ano ba kasi ang tinatago ng gubat nayun at bakit parang may gusto na papuntahin ako doon pero hindi ko kilala kung sino sya.   "Ayos ka lang ba, Kiana?" Tanong ng isa kong kaibigan na lalaki. Siguro kanina pa nila ako napapansin na balisa ako. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na saakin lahat ang atensyon. Tumango lang ako at nginitian ko sila ng tipid.   "Excuse me muna, mag-ccr lang ako" Tumango naman sila. Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko. Kailangan ko munang mapag-isa dahil nagugulauhan parin ako kung ano na ba ang mga nangyayari saakin. Hindi naman yata ako baliw. Magpapacheck up nalang ako kapag pag-uwi ko, ipapatingin ko sa doktor kung may sakit ba ako o wala. Habang naglalakad para pa din akong sinusundan ng tinig na nagmumula sa kung saan-saan. Gusto ko na sumigaw dahil sa labis na takot na dala nito sa akin pero ayaw kong maalerto ang mga kaibigan ko at isa pa wala kami dito para magtakutan.  Umiling iling ako upang wala sa isip ko lahat ng mga naririnig ko pero kahit ano pa din ang gawin ko ang malaking boses ay parang patuloy pa din akong sinusundan. May nakita akong isang babae na hula ko ay isang tauhan din sa isla kaya agad akong lumapit sakanya upang magyanong kung may naririnig man syang kakaiba. "Baka tunog lang po ng alon ang naririnig nyo." Umalis na ang babae at naiwan na akong hindi pa din kuntento sa sinabi nito. Alam ko ang pagkakaiba ng tunog ng alon at salita ng tao.  Binilisan ko na ang lakad patungo sa kwarto ko dahil baka kailangan ko lang ng pahinga. Habang patungo ako sa kwarto ko nawala na ang boses pero nakaramdam naman ako ng sumusunod sa akin. "Sino ka ba?!" Luminga linga ako para maghanap ng ibang tao na malapit saakin pero kahit isa ay wala at dahil doon kumaripas na ako ng takbo patungo sa kwarto dahil iba na talaga ang nararamdaman ko. ---------- to be continued ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD