Kiana's POV
Nagising ako sa mga kaluskos mula sa labas ng tinutuluyan namin binuksan ko muna yung cellphone ko para tignan yung oras.1:30am palang pala at bakit parang may kumakaluskos na sa labas kinilabutan tuloy ako bigla sa mga naiisip ko na may multo dito o kaya naman mga masasamang elemento. Tatawagan ko sana yung mga kaibigan ko kaso nga lang baka maistorbo ko pa yung mga tulog nila at pagkakita ko din sa cellphone ko walang signal kaya wala din akong mapapala. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako ng room or hindi kasi kapag lumabas ako ng room baka naman may magnanakaw o kaya multo and I'm scared to that.
"Shemssss!!! Ano na ba ang gagawin ko?!" Tanong ko sa sarili ko. Pinilit ko nalang na matulog pero hindi ko talaga kaya dahil sa mga naririnig kong kaluskos sa labas. Tumayo ako at huminga ng malalim bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto, naabutan ko sa labas ang isang itim na pusa na may hinahalungkat yata sa mga magazine doon sa salas ng tinutuluyan naming bahay, hindi yata ako napansin nung pusa kaya tuloy parin ito sa paghahalungkat ng mga gamit. Papaalisin ko na sana yung itim na pusa ng bigla itong naging tao, isang lalaking naka itim na polo at pants na itim din. Muntikan na ako mapasigaw ng biglang may nagtakip ng bibig ko, hindi ko sya makita dahil nasa likod ko sya, maslalo naman tumaas ang balahibo ko ng bigla syang magsalita........
"Try to shout and I'll kill you" Buong pwersa kong pinigilan ang sarili ko na hindi sumigaw dahil kapag sumigaw ako siguradong huling araw ko na dito kay mother earth. Nagtataka ako kung paano sya naging tao mula sa pagiging pusa at paano nya nalaman na nakita ko sya at paano sya agad nakapunta saakin mula doon sa sala, hindi kaya isa syang MULTO??!!!
"Teka sino ka ba?" Matapang na tanong ko sakanya pagkatapos nya tanggalin yung kamay nya sa bibig ko,titingin sana ako sakanya ng bigla nyang hawakan ang ulo ko para hindi ko sya malingon. "Ano ba ang problema mo at plss sagutin mo naman yung tanong ko, sino ka ba kasi?" Irita kong tanong. Nawawala narin ang kaunting takot ko dahil wala pa naman syang ginagawang masama saakin siguro pwera nalang kung sisigaw ako.
"Wag mo na alamin ang pangalan ko basta ipangako mo saakin na wala kang pagsasabihan na iba tungkol sa mga nakita mo ngayon dahil kapag nalaman ko na may ibang nakaalam hindi ako magkakamali na patayin ka at ang taong pinagsabihan mo tungkol dito kaya ngayon matakot kana dahil hindi iyon biro" Seryoso nitong sambit. Kinilabutan naman ako sa mga pinagsasabi nya dahil walang bakas sa boses nya na biro ang mga iyon. Naku ayaw ko pa mamatay hahanapin ko pa kasi ang prince charming ko.
"S-sige---" May sasabihin pa sana ako kaso nga lang bigla nalang syang nawala na parang bula. A-anong klaseng nilalang sya?
Someone's POV
"Boss, may nahuli nanaman po kami na isang sibilyan sa labas ng kaharian mukha syang may balak na pasukin ito buti nalang nalaman namin agad at kinulong namin sya sa kulungan ng mga tao" Napangisi nalang ako sa mga balita na yan. Lagi nalang kasi may nahuhuli na mga sibilyan na balak pumasok dito pero lahat sila ay nabibigo at lahat sila ay nakakulong yung iba naman ay ginagawa naming kalahi para naman dumami ng dumami ang mga lahi namin.
"Boss sa susunod na Linggo na po pala ang kasiyahan dito sa ating kaharian dahil sa susunod na Linggo na po ang panahon ng eclipse" Tumango-tanong nalang ako.
Pagkaalis nya ay sakto namang dating ng aking matalik na kaibigan na si Kaizer" Bro, balita ko lumabas ka daw kaninang hating gabi ahh" Nakita ko naman na ngumingisi sya kaya binato ko sakanya ang nahawakan kong wine glass sa tabi ng upuan ko nailagan naman nya ito kaya hindi sya natamaan.
"Bakit ka nambabato?" Tinignan ko nalang sya ng masama para matigil na sya sa pang-aasar saakin pero imbes na tumigil tinuloy parin nya ito "Siguro naghahanap ka ng jojowain mo nohh" Pang-aasar nya. Lalapit na sana ako para mabatukan sya pero agad syang tumakbo. Lintik na Kaizer.
Wala akong balak na magjowa at sa isangdaan at kalahating taon ko dito sa mundong ito kahit isa ay wala akong naging girlfriend, pero hindi naman sa nagmamayabang minsan naman may mga ibang babae na naglalakas loob na manligaw saakin pero lahat sila ay wala akong nagustuhan kaya ito ako ngayon walang girlfriend o kaya asawa mukhang tatanda na nga akong single pero isang kalokohan ang tumanda ako dahil hindi naman ako tumatanda, mamatay pwede pa pero ang tumanda isang kalokohan yan.
Kinuha ko ang maliit na bote na naglalaman ng gamot na kung saan palagi kong iniinom tuwing gabi. Nagtataglay kasi ang gamot na ito ng pampakalma. Tuwing gabi palaging nagwawala ang lahi ko sa aking loob at iyon ang iniiwasan ko dahil maaari akong makapatay ng maraming bampira at tao kung hindi ko iyon mapigilan. Tinago ko na muli ang bote at napatigil ako nang my nahulog mula sa mesa ko.
A magazine.........
I was curious that time kaya binalikan ko ito sa kwarto ng isang babae. Hindi ko naman intensyon na takutin sya pero nakita nya kasi ang pagpapalit ng anyo ko kaya wala akong nagawa kundi maging marahas. Pinasok ko ang kwarto dahil sa isang malalim na dahilan na ayaw ko nang balikan.
Binuklat ko ang magazine at bumungad agad sa akin ang mga naggagandahang mga babae iba't ibang produkto na hindi ko pa nasususbukan. HIndi naman ako ignorante sa mga bagay-bagay dahil palagi akong lumalabas ng kaharan para maghanap ng kung sino pwedeng kuhanan ng dugo. Hindi ako lumalabas para maghanap ng jowa dahil isa sa mga iniiwasan ko ay ang mahulog sa tao pero sana mapanindigan ko yon lalo na't nakakaramdam ako ng malakas na t***k ng puso tuwing lumalapit ako sa mga tao at nararamaman ko din na parang may hinahanap ang na kung sino ang puso ko.
Naalala ko ang sinabi ng ama ko noon na kung kanino daw tumibok at manikip ang puso ko iyon daw ang pakakasalan ko dahil iyon daw ang sign na kami ang tinadhana. Sa buong buhay ko ngayong taon lang ako nakakaramdam ng ganito. Sabi ng mga masmatanda pa saakin na bampira ito ay dahilan ng papalapit na eclipse. Base sa pagkakaalam ko dapat ang mga hari ay may mga ritwal na dapat gawin sa pagdating non.
Binitawan at tinago ko ang magazine sa pinaglalagyan ko ng mga bagay na may kinalaman sa tao saka lumabas na ng opisina para harapin ang mga nagtangka nanamang pumasok dito.
Ano nanaman kayang parusa ang gagawin ko para sakanila?
---------- to be continued -----------