Kiana POV Gabi na at marami na ang tao na nagpupuntahan sa dining area dahil sa dinner night na inihanda ni Chase. Hindi ko nga alam kung ano ba ang iaanunsyo nya at pinagtataka ko din ay bakit kasama ako kahit hindi naman nila ako kalahi. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ng maisip ang ayaw kong mangyari...... Tinutulungan ako ni Rinoah na suotin ang aking puting dress at pagkapatos naman nito na tinulungan nya din ako lagyan ng light make up ang aking mukha.Hindi ko na kailangan ng sobrang kapal na make up dahil dinner lang naman ang pupuntahan ko at gabi naman na at isa pa bakit ko pa bobonggahan ang makeup ko kung iaanunsyo nya ay ang parusa o kaya kamatayan ko. "Tapos na po madam" Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Ngumiti ako ng nakita ko na ayos na ayos ang pag

