Kiana POV Nagulat nalang ako ng may biglang tumabi saakin sa bench na inuupuan ko. Hindi ko sya agad nakilala dahil blured ang aking paningin dahil sa pag-iyak pero pagkakusot ko sa aking mata ang nakita ko agad na katabi ko ay si Chase na nakatingin saakin. "T-teka....b-bakit ka n-nandito diba d-dapat nandoon ka sa d-dining area?" Tanong ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi parin ako matapos sa paghikbi kaya patuloy ko parin pinipigilan ang sarili ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil baka narinig nya lahat ng sinabi ko at nakita nya akong umiiyak sa hindi malamang dahilan. "Kasi umalis ka doon" Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin kaya kumunot ang noo ko. "Teka a-ano naman k-kinalaman ko doon?" "Kailangan kita doon" Kumunot nanaman ang aking mga noo nu

