Chase POV Buti napilit ko din syang matulog sa kwarto ko kaya nandito kami ngayon at nanonood ng movie habang sya ay naglalaptop. May laptop at TV narin kami dito at may internet pa. Hindi naman kasi kami mga sinaunang tao dito kaya may mga ganun kami. Hindi dapat kami nahuhuli sa mga nangyayari dito sa mundo para hindi kami mahuli at pagkamalan na mga baliw dahil sa pag-akto namin bilang walang kaalam-alam sa mundo. May mga pinapayagan din kasi ako na lumabas ng kaharian at manirahan sa labas para magawa nila ang misyon na inutos ko sakanila. Dahil kailangan din namin ng pera nagdesisyon kami na magtayo ng kompanya tulad ng mga nakikita ko sa labas na nagtataasang gusali. "Chase sino 'to?"Napatingin ako sakanya at doon sa tinuturo nyang larawan sa laptop na hawak nya. Isa iyong

