Kiana POV Hanggang ngayon ay nandito pa din sa akin ang gulat at inis sa ginawa nito. Hindi dapat sya nanunulak nang ganon lang ang dahil. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa aking puso dahil nakakaramdam nanaman ako ng p*******t at mukhang may kinalaman nanaman ito sa ginawa ni Chase. Sa nagdaang araw unti-unti ko na nalalaman ang dahilan ng p*******t ng puso ko kaya minsan ay hinahanda ko na lamang ang sarili ko dahil baka mamamay may gagawing kakaiba si Chase pero yung nangyari ngayon hindi ko naihanda ang sarili ko kaya ito nanaman ako at panay ang mahinang daing kapag kumikirot ang puso ko. "Sorry na babe" Kumakain kami ngayon sa private dining room nya kaya kaming dalawa lang ang nandito pero kahit kumakain kami tuloy parin ang pagsosorr

