Chase POV Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para magkabati na kami. Alam ko na mali ang nagawa ko sakanya dahil naging bayolente ako kanina at alam ko sa sarili ko na nasaktan ko sya emotional at physical. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko kaya nagawa ko yun pero pinagsisihan ko naman na yung nagawa ko at kung maaari ay pipigilan ko na talaga ang sarili ko makagawa ng mali sakanya. Tao si Kiana at magkaibang-magkaiba kami sa lahat ng bagay kaya isang mali ng isa saamin tiyak na maaapektuhan ang isa. Bago ko sya hinarap ngayon uminom muna ako ng ilang bote ng gamot upang kumalma ang katawan ko dahil malapit na mag gabi at nararamdaman ko nanaman ang pagiging aktibo ng katawan ko. I don't want to hurt her anymore. Kaya kung kakailanganin ko uminom ng isang kahong bote ng gamo

