Kiana POV
Habang papasok kami sa malaking bahay marami na agad kaming nakikitang tao pero ang kakaiba lang nito ay yung iba ay pula ang mga mata at yung iba naman ay normalan lamang ang mga mata nila. Napapatingin lahat saamin ang mga nakakasalubong namin lahat sila ay parang nagtataka kung paano kami nakapasok doon. Yung lalaki naman na kasama namin ay diretso lamang ang lakad na parang hindi sya natatakot sa mga tao. Pagkapasok namin sa mismong loob ng bahay, maraming kandila at itim ang karamihan na kulay doon kaunti lamang ang mga puti. Maraming tao ang palakad lakad sa loob ng bahay at lahat sila ay nakaitim.
"Uhmmm siguro kailangan narin naming lumabas dito dahil mukhang busy yata lahat ng tao dito"Opinyon ko.Napansin ko narin kasi na parang may kakaiba dito sa bahay na ito at kanina ko parin napapansin na takot na takot na ang mga kaibigan ko.
"Masyado pang maaga para kayo ay umalis. Pwede pa kayo mamasyal dito, marami pa kayong hindi nakikita at kapag nakita nyo na ang kabuuan ng bahay ay tiyak na mamamangha kayo sa ganda nito." Nakangiti nitong sambit. Saan naman kami mamamangha dito at saan naman kami magagandahan dito ehh puro lang naman itim ang nakikita namin at kaunti lamang ang mga light colors at pwera nalang kung rainbow ang kulay ng buong bahay maslalong mamamangha kami.
"Hindi na kailangan. Siguro sa susunod nalang kami ulit bibisita dito." Pilit akong ngumiti para naman hindi nya mapansin ang takot ko.
"Sige kayo bahala" Ngumisi lamang ito. Yung totoo ano problema ng mokong na yun?
"Ayy teka ano nga pala ang pangalan mo?"Tanong ko naman,syempre kailangan namin malaman ang pangalan nya dahil sya ang tumulong saamin.
"Chase Steven" Sambit nito habang nakangiti parin. Hindi ba sya napapagod ngumiti?
"Ahh sige salamat nalang sa pagsama mo saamin" Sambit ko naman.
Tumalikod na kami sakanya at palabas na sana kami ng bahay ng bigla nila kaming hinarang...............
Chase POV
Ano akala nila makakapasok sila dito ng ganun ganun lang at makakalabas sila ng walang hirap???Nagkakamali sila doon.........
"Teka ano kailangan nyo saamin pakawalan nyo kami dito!!!" Sigaw nilang lahat mula sa kulungan. Bahala sila kahit ilang araw sila sumigaw dyan kahit mamatay sila kakasigaw wala akong pakealam.
"Boss ito na po yung gamot na pampatulog na pinapadala nyo" Tumingin naman ako doon sa lalaking nagdala ng gamot na pangpatulog at doon sa hawak nyang gamot.
"Sige turukan nyo na sila ng gamot na yan para makatulog na sila at hindi na nila mabulabog ang iba sa kaingayan nilang lahat" Utos ko naman. Pagkatapos nilang turukan yung lahat ng mga magkakaibigan ay unti unting nakakatulog yung iba at sa huli ay lahat na sila ay nakatulog na.
"Boss kailangan nyo na po matulog at magpahinga dahil siguro pagod po kayo dahil sakanila at hindi naman na po sila magigising dahil ang talab po ng gamot ay 12 hours at bukas pa po ang gising nila kaya kami na po ang magbabantay sakanila wag po kayong mag-alala hindi po sila makakatakas dito" Tumango nalamang ako at bago ako tumalikod tumingin na muna ako sa mga magkakaibigan para silang natutulog na mahimbing na akala mo ay walang nangyari, nahagip naman ng paningin ko ang isang babaeng natutulog sa sulok ng kulungan, sya yung babaeng nakakita saakin sa isang bahay at muntikan ng sumigaw dahil sa ginawa kong pagpapalit ng anyo mula sa pagiging pusa at hanggang sa pagiging tao at sya rin yung sinabihan ko ng papatayin ko sya kapag may ibang nakaalam ng sikreto kong iyon pero buti nalang hindi nya ako nakilala ng lubusan dahil nakatalikod sya nung lumapit ako sakanya nung sinabi ko iyon.
*
"Boss, maaga po kayo ngayon ahh" Tinignan ko ng masama yung nagsabi nun bago ko dumiretso sa kulungan ng mga tao. Pagkapasok ko sa mga kulungan gising na sila.
"Pakawalan mo kami dito walang hiya ka!!" Ngumisi nalang ako habang tinitignan sila na nasa kulungan.
"Sino naman ang tanga na magpapakawala sainyo?" Natatawa kong sambit. Hindi ako tanga para basta-basta nalang sila makawala dito.Kapag nakapasok kana dito hindi kana pwedeng makaalis dahil alam mo na kung saan at kung anong meron dito sa bahay na ito pero kaunti lang ang tao na nandito sa kulungan ang nakakaalam ng tunay naming lahi kaya yung mga taong yun ay hinding hindi na makakaalis ng kulungan at habang buhay na sila titira dito.
"Boss,may tatlong babaeng sibilyan ang nakapasok dito pero nahuli narin sila at nandoon po sila sa labas"Tumalikod na ako sa mga magkakaibigan na patuloy parin sa pagmamakaawa na pakawalan ko sila at dumiretso na sa labas kung saan may mga nahuli nanaman daw silang mga sibilyan.
Pagkalabas ko naabutan ko agad sa labas ang tatlong dalaga na nagmamakaawa na tanggalin ang nakakadena sa kamay nila.Tinignan ko lang sila mula ulo hanggang paa, mga magaganda sila, sexy, maganda ang kutis pero ano akala nila matitinag ako sa kalabasang anyo nila? No way!
"Bakit kayo pumunta dito?" Tanong ko gamit ang nakakatakot kong tingin hindi naman ako nabigo dahil mukhang takot na takot sila sa ginawa kong tingin sakanila.
"G-gusto lang po k-kasi n-namin malaman ang t-tungkol dito sa sinasabi nilang bahay sa g-gitna ng g-gubat" Pautal-utal na sambit ng nasa gitna na babae. Tinitigan ko lang sila sa kanilang mga mata para makita kung may makikita ba akong pagsisinungaling sa kanilang mga mata pero pasalamat sila wala naman akong nakita pero hindi ibigsabihin nun na papakawalan na namin sila ididiretso parin namin sila sa kulungan at doon sila mabubulok lahat swerte nalang yung mga ginagawa naming kalahi dahil mabubuhay sila ng matagal at makakapamuhay sila dito na walang bantay pero ang hindi nila alam lahat sila ay kaya kong kontrolin, kaya wag lang silang magkakamali na umalis dito dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin sila.
Habang nilalagay ang tatlong babae sa loob ng kulungan para akong nanghina ng hindi ko alam........teka anong nangyayari saakin??
F*ck! Ito na ba yun? Pero sino sakanila? Kung sa tao ako nakatakda tiyak na magkakagulo ang lahat......
Ayokong magkagulo ang mga tao dahil lang sa kagagawan ko pero ano naman ang magagawa ko kung nakatadhana ako sa mga tao...........
------------to be continued------------