Chapter 5

1152 Words
Kiana POV   Bigla nalang akong nanghina ng hindi ko malaman ang dahilan,bakit saakin nangyayari ito. Habang nanghihina ako naramdaman ko ang aking tiyan na tumunog kaya naisip ko ang sanhin ng aking pagkahina ay ang hindi ko pagkain, kahapon pa kasi kami hindi kumakain ng mga kaibigan ko dahil nga nakakulong kami dito sa bahay ng hinayupak na lalaking yun, hindi ko pa nga kilala kung sino sya dahil mukhang wala naman yata syang balak magpakilala saamin.   "Kainis gutom na ako" Rinig kong sambit ni Jess na nakahawak sa kanyang tiyan.   "Wag kayong mag-alala hahanap ako ng paraan para makatakas tayo dito" Sabi naman ni Marcus ang isa pa naming kaibigan at ang pinaka kuya namin sa grupo.   "Sa tingin nyo makakatakas kayo dito?? Wag na kayong umasa na makakalabas kayo dito dahil kahit isang tunog ng paa nyo lang ang narinig ng mga bantay tiyak na mahuhuli kayo agad at kapag nahuli kayo, si boss lang ang makakapagdesisyon kung ano ang parusang ipapataw sainyo, pwedeng ibalik kayo sa kulungan na ito, gawing kalahi namin o kaya patayin kayo sa mismong harapan namin at masmasaya yon." Nagulat nalang kami ng may biglang may nagsalita sa labas ng kulungan, babaeng maputi na kulay itim ang labi at nakasuot ng itim. Ano ba lahi nila?Di kaya Vampire sila?? At anong sabi nya? Masayang makita na pinapatay kami isa-isa?    "Teka sino ka?"  Tanong ko naman.   "Ako si Valeria, isa ko sa may mga katungkulan dito. Umayos kayo kung ayaw nyong gilitan ko kayo agad" Pagkatapos nyang magsalita umirap sya saamin at umalis, mabuti nalang umalis na sya bago pa kami makapagsalita ng masama sakanya kahit wala naman syang sinabi na kakaiba saamin pero nakakainis parin sya kaya wag talaga kami magkikita kundi sasapukin ko sya.   *   Chase POV   Habang naglalakad lakad ako dito sa kaharian ko hindi ko maiwasan na isipin yung nangyari nung isang araw sa isang rest house, buti nalang talaga hindi nya ako nakita ng malapitan dahil kapag nakita nya ako patay na.   "Boss" Narinig ko ang tawag ng isang babae saakin kaya lumingon ako sakanya ng walang ekspresyon sa aking mukha.   "Anong kailangan mo Valeria?" Malamig kong sambit.   "Uhmm........ ibabalita ko lang po sainyo ang plano nung mga magkakaibigan kanina sa kulungan" Kumunot ang noo ko   "Ano naman iyon?"   "Balak po nilang tumakas dito kaya dapat po natin silang bantayan ng maigi at maslalo na po sa darating nating kasiyahan at kaunti lamang po ang magbabantay sakanila sa panahon na yun"   "Tawagin mo ang mga kawal, sabihin mo pinapatawag ko sila at pumunta silang lahat sa opisina ko, ngayon na" Saka ako naglakad papasok sa palasyo at pumunta na sa opisina ko.   Sigurado akong hindi sila magtatagumpay sa gagawin nila kapag ginawa ko ang binabalak kong plano sakanilang magkakaibigan........   *   Nang nakarating na sa opisina ko ang mga kawal sinimulan ko na sabihin sakanila ang plano ko.......   "Kunin nyo ang mga lalaki sa grupo nila at gawing kalahi natin at painumin nyo din sila ng pangpawala ng alaala para hindi na nila maalala ang mga kagrupo nila" Tumawa naman ako pagkatapos kong sabihin ang plano ko.   "Kailan po namin gagawin yun boss?" Tanong naman ng isang kawal   "Ngayon na dahil ayoko mag-aksaya ng oras.Gawin nyo na ang balak ko" Saka sila nagsilabasan at naiwan naman ako sa opisina ko na nakangisi.Tignan lang natin kung matuloy nyo pa ang plano nyo pagkatapos ng gagawin ko sainyo........ Gagawin ko lahat para protektahan ang sakop ko........   Kiana POV   Nagulat kami ng biglang pumasok ang mga kawal sa kulungan namin, kala namin papalayain na nila kami pero nagulat kami na kinuha nila ng sapilitan ang mga lalaki sa grupo namin, wala na kaming nagawang mga babae kundi umiyak nalamang at ipagdasal na sana walang gawing masama sakanila.   "Wag kayo mag-alala babalik kami"-Mga lalaki   Habang hinihila sila palabas ng kulungan hindi namin mapigilan ang mapahagulgol dahil baka may masamang gawin sakanila ang mga kawal nayun.   Habang tumatagal nakakatulog na ang mga kagrupo kong mga babae sa kakaiyak at ako nalamang ang humahagulgol sakanilang lahat. Iyak lang ako ng iyak ng may bigla akong nakitang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng kulungan namin, hindi ko sya makita dahil sobrang dilim dito at ang nagsisilbing ilaw lamang dito ay ang kandila.   "Tumigil kana sa kakaiyak mo dahil wala kanang magagawa" Pilit ko paring sinisilip yung lalaki para makita kung sino ba sya at parang pamilyar din ang boses ng lalaki   "Teka sino ka?" Tanong ko   "Hindi mo na kailangan malaman, kung ako sayo matulog kana dahil nakakaistorbo yang iyak mo" Saka sya umalis sa harap ng kulungan. Niyakap ko ang aking tuhod upang hindi din gaano maramdaman ang lamig dito. Nakakatakot pero wala kaming magagawa kundi maghintay nalamang kung kailan kami makakatakas o papakawalan ng mga walang pusong nilalang na ito. Kung hindi siguro ako nababagabag sa nararamdaman ko kanina edi sana masaya kaming namumuhay ng mga kaibigan ko. Walang kasiguraduhan kung makakalabas pa kami dito ng buhay lalo na't kakaibang nilalang ang mga nakatira dito.  Tinitigan ko ang mga kaibigan kong natutulog sa sahig at labis ang hiya pagsisisi ko. Alam kong may kakaiba sa lugar na to' pero nagpatuloy pa din ako dahil sa lintek na pagtataka.  "Kiana, matulog kana. Alam kong sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari. Tandaan mo, magkakasama tayong pumasok sa gubat at magkakasama tayong nagdesision na pasukin ito kaya wag mong sarilihin yang problema." Dahan dahan kong pinunasan ang mga luha na nagpapatuloy nanaman sa pagdaloy. Kahit madilim nakita kong bumagon si Jess para puntahan at yakapin ako. "Kiana, kung ano man ang mangyari dito sa atin sa loob, wag na wag mong sisisihin ang sarili mo." Yumakap na din ako kay Jess upang pakalmahin ang aking sarili.  Kailangan ko na ding magpahinga at tumigil sa paghagulgol dahil baka mamaya bumalik yung lalaki kanina at tuluyan na kami. Kung papatay sya wag na nyang idamay ang iba dahil ako naman ang may gawa ng lahat. Humiga ako sa tabi ni Jess at pinilit ang sariling matulog.  Kung wala na kaming pag-asa pa na makawala dito pinagdarasal ko na sana naman ay maging maayos ang buhay namin dito. Hindi nagtagal nakatulog na din ako dahil sa pagod....... pero hindi iyon nagtagal dahil naalimpungatan ako sa boses ng isang lalaki na nasasaktan. Bumangon ako dahil akala ko ay isa sa mga kaibigan kong lalaki iyon.....pero imbes na sila ang bumungad.......iba.  Someone's POV "Nakatulog na ba sila?" Tumango sa akin ang mga tagabantay. Napatingin ako sa mga nakahigang babae sa sahig. Kahit nasa ganoon silang kalagayan wala akong pake dahil tao pa din sila....... at ang mga tao ay kalaban. Palabas na sana ako ng kulungan nang bigla akong makaramdam ng kirot sa puso. Hindi simple ang kirot dahil para din itong pinipiga. Napasandal ako sa may pader para doon kumuha ng suporta dahil nararamdaman ko na anumang oras ay matutumba na ako.  Napatingin ako sa may kulungan dahil matalas ang pandinig ko at may narinig akong parang bumangon mula doon, at laking gulat ko kung sino ang bumangon at tinititigan ako na may pagtataka. Wala sa sariling napahawak ako sa aking puso nang hindi ko na maramdaman ang kirot. Tao ba talaga ang babaeng iyon? -----------to be continued-----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD