Kiana POV After 5 months.............. "Chase!!!!" Sigaw ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang sakit kasi ng tyan ko at para na akong papatayin dahil sa sakit. Sinabihan na ako ng doktor noon kung ano ang mararanasan ko at hindi ko alam na ganito pala iyon kahirap. Mula sa pag-inom ko palagi ng ilang baso ng dugo na hindi ko alam kung saan kinukuha nila Chase ay sobrang hirap at lalo na yung mga panahon na talagang sumisipa na sya na halos magkapasa at mabukol na yung tiyan ko. Sabi ng doktor ay mukhang nakuha ng bata ang lahi ng kanyang ama pero hindi pa nito masasabi kung makukuha ba ng bata ang lakas ni Chase. Para sa akin ay ayos lang naman kung ano ang mangyari basta sisiguraduhin ko na ligtas ang bata at hindi sya ipapahamak ni Chase. Ayos lang sa akin kung maging

