Chase POV "Tawagan mo na si Dr.Gonzalo bilisan nyo!" Sigaw ko. Kanina pa kasi sigaw ng sigaw si Kiana na masakit na daw ng tyan nya at parang manganganak na daw sya. Naalala ko na kabwanan na nya pala ngayon. Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakikita kong nahihirapan at umiiyak na si Kiana sa sobrang sakit na nararamdaman nya. Hindi ko naman sya maiwan dito dahil hindi ko kaya na iiwanan ko syang nasasaktan at wala manlang akong magawa. Habang tinitigan ko si Kiana para akong walang silbing lalaki sakanya dahil hindi ko manlang sya matulungan para maalis ang sakit. Tumabi ako dito para yakapin sya at himasina ng tiyan para kahit papaano ay mabawasan ang sakit nito at maramdaman nito na nandito lang ako. Hindi ko kayang mawala si Kiana sa akin at syempre hindi ko

