Kiana POV Tulad nga ng plano namin ni Chase, bumalik na kami sa kaharian. Pinaghahandaan namin ngayon ang kasal namin. Sinabi ko nga sakanya na kahit hindi na engrade ang magiging kasal pero hindi sya pumayag gusto nya na maging memorable daw ang magiging kasal kaya dapat daw engrande kaya pumayag nalang ako dahil wala naman na akong magagawa pa dahil inaayos na nya ang seremonya ng kasal sa susunod na Linggo na kasi ito at isa pa nakafocus ako ngayon sa anak namin. Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Chase. Binabantayan ko ang anak namin at sabi ni Chase hindi pa daw ako pwedeng makalabas hangga't hindi pa ako masyadong maayos. Halos mamatay daw kasi ako nang panahon pinanganak ko ang bata. Hindi ko na maalala ang iba pang nangyari dahil nawalan na ako ng malay non. Bigla naman bumukas

