Kiana POV Pinagsuot ako ni Chase ng isang dress na parang may disenyo na hindi ko alam. Simbolo daw kasi iyon na ako ang pinakamataas na babae sa lahi nila. Kapag nagsuot ka daw kasi ng damit na may ganoong disenyo ibigsabihin nun mayaman ka o kaya ikaw ay may kapangyarihan sa lahi ng bampira. Wala akong alam sa bagay na iyon nung una dahil wala naman talaga akong pake kung mataas man ako o mababa basta buhay ako. Kanina tinignan ko lahat ng damit na pinasuot sa akin noon ni Chase habang nasa kaharian ako at hindi na ako nagulat nang makita na may mga disenyo iyong kakaiba. "Are you ready?" Tumango naman ako at sumama na sakanya sa dining room. Nagpasya din kami na ngayon na namin ipapakilala ang anak namin sakanila dahil ayaw naman namin itago nalang ang bata ng sobrang tagal. Simula n

