Chase POV Today is our wedding day. Ilang Linggo din namin itong pinaghandaan at ngayon ay ang araw na mapapasaakin na talaga sya at magiging legal na kami. "Pare ano handa ka na?" Tanong naman saakin ni Kaizer. "Malamang pare, matagal ko na itong pinaghandaan at ito na ang araw na matagal ko ng hinihintay" Tumawa lang sya at uminom ng red wine. "Mahal na hari, maaari na po kayong lumabas dahil handa na po ang lahat" Tumango naman ako at lumabas na kasabay si Kaizer. Ang kasal namin ay magaganap sa grand garden ng kaharian. Masgusto kasi ni Kiana na sa garden nalang daw kesa doon sa grand hall. Kung para sa akin ay mas ayos din sa akin na sa garden nalang kaysa sa grand hall dahil masmagaganda ang disenyo doon dahil sa mga bulaklak na tumubo na ngayon matapos ang ilang taong pagtatani

