(Daun's POV) Tumayo na lang din ako at saka ko nilayasan si Belinda, bumalik na lang din ako sa office ni Kyrre na dahilan para agad din siyang mapatingin sa akin. No way, hindi pwedeng umalis ako sa tabi niya. "Umuwi na tayo pagkatapos niyong mag-usap," I said to him. Tinaasan lang din naman agad ako ng kilay ng secretary niya at si Kyrre naman ay agad na napakunot ang noo. "Sit here, tatapusin lang namin ito, then uuwi na tayo," Kyrre said to me. Ngumiti rin agad siya sa akin saka niya hinila ang isang office chair palapit sa kanya kaya naupo na lang din ako doon. "How about the board meeting sir? Nagpatawag tayo ng urgent meeting hindi po ba?" agad na sabad ng babaeng ‘yon sa amin. "Oh yeah right," Kyrre also said na halatang nakalimutan din agad ang meeting na ‘yon. "Pwede nama

