(Daun's POV) Hindi naman ako na-inform na nagpakapagod lang pala ako sa wala, nag-effort ako tapos hindi lang pala sila matutuwa sa ginawa ko? Hindi rin nila ma-gets ang punto ko at talagang nagkampi-kampi pa sila laban sa akin. Nakakainis tuloy, akala ko pa naman ay matutuwa sila. Kasalanan ko bang hindi kami pare-pareho ng pamamaraan sa pag-resolba ng problema? Wala na silang ginawa kung hindi ang kontrolin at sermonan ako, sermon kay Mom, kay Dad, kay Papa, sa mga Kuya ko, kay Fear, sa pamilya ni Ravon, kay Kyrre, sermon everywhere. Puro na lang sermon ang inabot ko sa kanila, akala ko pa naman ay matutuwa sila. Ang ganda pa naman ng feedback ng ginawa ko, tapos sila pa pala ang sisira ng araw ko? Pagod na pagod pa naman ako kahapon sa pag-arte tapos sesermonan lang naman pala nila ak

