(Daun's POV) Nagtatatakbo na lang ako at hindi na lumingon sa likuran matapos kong makatakas kay Kyrre but I stop ng maalala ko si Triz. Alam ko naman na magiging maayos lang si Triz doon, pero hindi ko sigurado ang mga kasama niya. Alam ko rin na ang importante sa ngayon ay makatakas ako kay labo dahil ayokong makasama siya at ayokong sumama sa kanya, but I need to make sure Triz is safe. "Bullsh*t!" mura ko ng biglang bumuhos ng biglaan ang malakas na ulan. But I don’t have a choice lumakad na lang ako pabalik sa pinanggalingan ko but my feet step on the vines na nasa gilid na pala ng cliff. Napa-hiyaw rin ako ng malakas ng bigla na lang akong madulas at nagpagulong-gulong ako pababa sa cliff hanggang sa maramdaman ko na lang na bumagsak ako sa buhanginan. Agad akong napadaing sa sak

